Isda sa palad | Anong kapalaran meron ka? | Palmistry | Pasabog tv
MGA SWERTENG SYMBOL SA PALAD
Ano
ang kahulugan ng isda na nakatutok ang ulo sa pulso o wrist.
Welcome back to my channel.
Ang channel na magiging gabay mo tungo sa tamang direksiyon ng iyong
buhay. Ang channel na kung saan
matutunan mo ang lumakad ayon sa itinakda sa iyo ng Panginoong Diyos.
Sa video na ito ay sasagutin natin ang katanungan na ano nga
ba ang kahulugan ng isda na ang ulo ay papunta sa direkyong tungo sa
pulso.
Paano ba malalaman kung ito ay markang isda?
Ang simbolo ng isda ay binubuo ng isang pahaba na bilog na
may patulis na dulo. Madalas itong may dalawang matulis na dulo. Maaari rin
itong magmukhang dalawang tatsulok na may magkakapatong na linya. Ang hugis
tatsulok na simbolo ng isda ay ayon sa mga Chinese. Minsan may whorl o tuldok
na bumubuo sa mata ng isda.
Meron ka bang nakikitang ganitong symbolo sa palad mo?
Ang simbolong isda ay kumakatawan sa hindi inaasahang
pera. Saan ba pwedeng manggaling ang
unexpected money? Ito ay maaaring isang
investment na nakalimutan mo na o kaya naman ay hindi mo na inaasahan. Ang lugar kung saan nakalagay ang isda ay
magsasabi sa iyo kung kailan ito magaganap.
Kung ang isda ay nakalagay at nakaturo ang ulo nito patungo sa
wrist, ang unexpected money ay darating
sa edad na 50 pataas.
Saan ba pwedeng manggaling ang pera? Pwedeng ito ay royalty fee kung ikaw ay isang
songwriter, gumagawa ng mga original composition or trademarks, kung ikaw ay
isang artist o may gagamit ng iyong mg gawa na copyrighted. Pwedeng ito ay inheritance o mana mula sa mga
magulang o kaya ay isang taong gusto ka lamang pamanahan o kaya naman ay
pagkapanalo sa isang lottery o game show tulad ng sa wowowin ni Willie
Revillame na bigla ka na lamang tatawagan para sabihin na nanalo ka. Pwede din
itong cash award bilang isang tao na nakagawa ng isang kakaibang advocacy o
contribution sa humanity tulad ng pagiging national artist o isang award mula
sa Pangulo. May naiisip ka pa ba na
pwedeng panggalingan ng pera na hindi mo aakalain na magkakaroon ka, comment
lang sa ibaba ng video.
Ang dapat lamang tandaan na ang mga isdang meron ka ay dapat
na walang depekto, tulad ng mga guhit na pahalang o mga guhit na sumisira sa
hugis isda. Bakit? Dahil ang mga guhit na sumisira sa simbolo
ng isda ay magpapahina ng epekto ng suwerte o magandang kapalaran sa iyo. Ang mga guhit na ito kasi ang mga hadlang
upang at pwede itong mawala o mapurnada.
Pagod ka na ba? Pagod
ka na ba sa paghihintay ng resulta o bunga ng iyong pagsusumikap. Nakakapagod talaga lalo na kung pinupuwersa
mo ang isang bagay na hindi ka naman sigurado kung para sa iyo o hindi.
Doble pa ang sakit na mararamdaman mo kung after all the efforts, hindi
rin pala mapapasaiyo. Ganyan ang buhay,
walang kasiguraduhan. Pero maiiwasan ang
mga kabiguan kung alam mo agad sa una pa lang na ito ay hindi para sa iyo. Ang mapa ng buhay mo ang magsasabi nito. Nasaan ang mapa ng buhay mo? Nasa palad mo. Ang kailangan mo lamang ay matutunan kung
paano ito malalaman. Paano mo malalaman
ang mga bagay na para sa iyo at hindi.
Mapapagod ka lamang kung uubusin mo ang panahon mo sa mga
karera, negosyo, o pag-ibig na mawawalan lamang ng saysay bandang huli at
magigising kang sawi pa din sa mga bagay na pinapangarap mo.
Kaibigan sa video natin ay malalaman mo kung ano ang dapat na
ginagawa mo sa panahon ngayon. Dapat
alam mo kung nasaang lugar ka at ano ang dapat na inuugali mo. Hindi natin maipipilit ang mga bagay na hindi
tugma sa atin. Hindi tugma sa ugali mo,
hindi tugma sa kakayahan mo, hindi tugma sa hilig mo, hindi tugma sa sinasabi
ng puso mo. Kadalasan ay nadadala lamang
tayo ng inggit o challenge na gusto din nating makamit kung ano ang nakamit ng
iba. Hindi dapat ganoon dahil may mga
lugar tayo sa mundo, meron din sila. May
mga bagay na meron tayo at wala sila.
May mga bagay na meron sila na wala tayo. Ugali, ambisyon, mga katangiang pisikal,
emotional at psychological. Bukod dito,
may kaniya kaniya tayong suwerte sa buhay.
Suwerte sa karera, pag-ibig, journey, pera at marami pang iba.
Maraming salamat sa inyong panonood at nawa ay nakapulutan
niyo ng konting aral ang ating video at kung ito ay inyong nagustuhan, huwag
kalimutang magsubcribe at pindutin ang notification bell para lagi kang updated
sa mga bago kong video.
Job37:7
New
King James Version
He seals the hand of every man, That all men may
know His work.
Truth or Fiction by Alvin Labios
Comments
Post a Comment