Fish pointing towards the mount of Saturn | Palmistry | Pasabog tv


Fish pointing towards the Mount of Saturn


Welcome back to my channel.  Ang channel na gabay mo tungo sa tamang direksiyon ng paglalakbay mo sa iyong buhay.  Ang channel na kung saan matutunan mo ang lumakad ayon sa itinakdang kapalaran sa iyo ng Maykapal.

In our last video ay tinalakay natin ang Fish pointing towards the mount of Apollo na kung saan ay malalaman mo kung ano ang swerteng naka-abang sa iyo at kung paano mo naman ito makukuha at ano ang dapat mong gawin upang mapagtagumpayan ang mga kahadlangan.

In this video, ay tatalakayin naman natin ang Fish pointing towards the mount of Saturn, o ang isda na nakatutok sa Mount of Saturn.


Muli ang ibig sabihin ng isda sa palad ay:

hindi inaasahang suwerte sa pera, o isang malaking tagumpay sa pananalapi, isang napakalaking pag-asa at kasaganaan sa buhay.  At dahil ito ay nakaturo sa Mount of Saturn at ito ay nasa lugar ng lifeline, makakamtan mo ang swerte na ito kapag ikaw ay nag edad 50 pataas.

Tingnan ang umbok ng iyong Mount of Saturn.  Bahagya mong ikuyom ang iyong palad at tingnan kung ano ang hitsura ng pagkaka umbok ng mga laman dito sa ilalim ng iyong gitnang daliri.

Ang mount saturn ay matatagpuan sa ibaba ng pang gitnang daliri or iyong middle finger.

Mount of Saturn ay tumutukoy sa

Wisdom: karunungan

Slowness: kabagalan

Sobriety:  kahinahunan

Love for Philosophy:  pagmamahal sa pilosopiya

Skepticism:  Pag-aalinlangan

Frugality: pagtitipid

Discipline: disiplina

 

Kung katamtaman o maganda ang umbok sa iyong Mount of Saturn ikaw ay matalino o mahilig mag-aral, mapagmahal, independent, matipid, may disiplina sa sarili, at hindi madaling maloko.  

Dahil nakaturo sa iyo ang isda mula sa lifeline tulad ng nakikita niyo sa larawan, magtatamo ka ng kasaganaan sa pera una dahil ikaw ay matipid at matalino, at may disiplina sa sarili.  Kapag sinabing disiplina, hindi mo inaabuso ang yong katawan kung kayat hindi ka basta basta tatamaan ng mga malulubhang karamdaman.  Generally, kahit anong kurso ang kunin mo ay mapapanindigan mo at mapapakinabangan mo.  Kahit na nga makatapos ka ng pag-aaral ay hindi ka pa din humihinto na magkaroon pa ng dagdag karunungan na kung saan ay magiging dahilan upang ikaw ay mapromote sa iyong trabaho.  Sa negosyo ay hindi ka basta basta pumapasok dahil sa pagiging skeptic mo.  Maaaring hindi pagnenegosyo ang iyong forte kundi pagiging isang mahusay na empleyado.

Kung ang bundok ay sobrang mataas, nagpapahiwatig ito ng sobrang pagmamahal mo sa iyong trabaho at maaaring maging sa isang tao.  At dahil sa sobrang pagmamahalo an iyan ay maaaring mapabayaan mo ang iyong sarili.  Ang pagiging committed sa kahit na anong responsibilidad ay dapat mong balansehin dahil ito ay pwedeng maging kahinaan mo at mapurnada ang nakaabang na suwerte sa iyo.  Ang sobrang pagmamahal ay nakabubulag sa katalinuhan at maaari kang bumagsak dahil sa sobrang pagmamahal.  Handa mong ibigay ang lahat, maging ang iyong sariling buhay at ang iyong kinabukasan maipakita mo lamang ang iyong pagmamahal.  Ito ang iyong paka-ingatan dahil tulad ng sabi nila, walang matalino pagdating sa pag-ibig.

Kung ang bundok na ito naman ay sobrang mababa, ikaw ay malungkutin.  Mahilig ka sa pamahiin pero may malalim kang pananaw pagdating sa relihiyon o pananampalataya.  Ikaw ay hindi basta basta lumilipat ng relihiyon, sinisigurado mo na may sapat na basehan bago ka magpalit ng pananampalataya.  Ikaw ay mapagkakatiwalaan ng sikreto.  Ang hindi maganda na ugali mo ay ang sobrang pag-iisip ng negatibo.  Kung hindi man self-pity ay pakiramdam mo, ikaw ay pinagtampuhan ng tadhana o ng kapalaran.  Kahit na ikaw ay may isda na nakatutok sa iyong Mount of Saturn, ito ay nahahadlangan ng iyong personalidad na pagiging mapamahiin, iniaasa sa pananampalatay ang pag-yaman o pag-asenso, at kulang ka sa self-confidence. 

Ang dapat mong gawin upang matupad ang isda na nakaabang para sa iyo ay, huwag mong iuugnay sa kusang pagpapala ng iyong pinaniniwalaang Diyos.  Ang iyong pananampalataya at pagiging mapamahiin ang nagiging balakid sa iyong magandang kapalaran.  Huwag ka ding umasa sa mga signs and wonders na hinihingi mo bago ka kumilos.  Gawin ang mga bagay na sa tingin mo ay dapat mong gawin.  Huwag kang huminto sa pagtupad ng iyong pangarap. Umiwas ka sa mga negatibong tao at hayaan mo na ikaw ay madala ng mga positibong mga kaibigan.

Kung ang iyong isda ay nasa mismong tuktok ng Mount of Saturn, ang suwerte sa kasaganaan ay hindi mapipigilan ng kahit na anong kahadlangan sa buhay.  Magiging magaan sa iyo ang paghahanap ng trabaho. 

Hanggang sa muli mga kaibigan at sana ay nakapulutan mo ng konting impormasyon ang video natin na ito.  Nawa ikaw din ay ma inspire at maging isang makabuluhan at matagumpay na nilalang.  Huwag kalimutang kalembangin at mag subscribe.

Sa susunod na video ay tatalakayin naman natin ang tungkol sa isda na nakatutok sa Mount of Jupiter.

Truth or Fiction by Alvin Labios

Comments