True Mystic Cross | Palmistry | Pasabog


Welcome back to my channel.  Ang channel na gabay mo tungo sa tamang direksiyon ng iyong buhay.  Ang channel na kung saan matutunan mo ang lumakad ayon sa nakatakda sa iyo upang maiwasan mo ang mga maling desisyon at masagot ang marami mong mga katanungan tungkol sa buhay mo.

Sa video na ito ay sasagutin natin ang katanungan na ano nga ba talaga ang Mystic Cross, ang hitsura nito at ang bawat kahulugan nito sa iba’t ibang mount ng ating palad.

Ano ang dapat na hugis ng isang mystic cross at saan saan ito matatagpuan?
Ito ay katulad din ng markang x pero hindi ito nakadugtong sa kahit na anong guhit.  Ang markang x o ang mystic cross ay nakahiwalay sa mga guhit na nakapaligid sa kaniya.  Hindi kinokonsider na mystic cross ang anumang markang x na nakadugtong sa ibang mga guhit.  Matatagpuan ang mystic cross sa ibat ibang bahagi ng palad natin. 
 

Pero kung ang mystic cross ay nasa pagitan ng headline at heartline ito ay napaka special na mystic cross sapagkat mayroong special na katangian o personalidad ang sinumang meron nito. 
 

1.      Strong intuition.  Ano nga ba ang intuition?  Ito ay isang damdamin na maiugnay natin sa kaba, duda, suspetsa, hinala, sapantaha, na hindi ginagamitan ng kaukulang sense of reasoning.  Ito ay isang malakas na pakiramdam na nagbibigay ng mensahe na hindi naman ng nakararamdam kung paano patutunayan.  Walang logical reasoning pero merong strong belief na nakapaloob dito na nagsasabing ito ay totoo.

2.   An interest in occult sciences.  Ano ang occult sciences?  Occult science = theory, practices, beliefs, knowledge about supernatural forces or beings.  Kasama sa mga beliefs na ito ay ang palmistry, astrology, spiritual magic, alchemy, yoga at energy healing.

3.   Exceptional analytical abilities. Mahusay magsuri ng mga bagay bagay na nangyayari.

4.   Strong ability to read people.  Nababasa ang mga tao, ang kanilang ugali, pananaw sa buhay at maging ng kanilang mga kakayahan o abilidad.

5.   An uncanny ability to predict the future.  May kahusayan sa paghuhula ng mangyayari sa hinaharap

 
Ang mystic cross ay maaari ding Makita sa ibat ibang lugar ng ating palad. 

 

Sa ibaba ng Index Finger: Jupiter Mount
Ang mga taong may mystic cross sa ibaba ng hintuturo ay karaniwang madaling pakisamahan at maunawain na may matibay na ugnayan sa  pamilya.  Namamanage nila ng husto ang family at ang work na kung saan sila din ay namumuno.  Kung sila ay pulitikong tao, masasabing kaya niyang balansehin ng maaayos ang time para sa work at sa family.  
 
Kung ang mystic cross ay matatagpuan sa ibaba ng gitnang daliri o ang tinatawag nating Mount of Saturn, ito ay nagpapahiwatig ng versatility sa lahat ng bagay.  Pag sinabing versatility,  hindi sila limitado sa skills.  Kaya din nilang mag-adapt agad sa mga pagbabago sa paligid nila.  Ang mga taong may mystic cross sa lugar na ito ay  very likeable, masarap kasama dahil mahusay sila sa pakikisama sa lahat. Mayroon silang kakaibang katangian tulad ng madaling maghanap o mag-isip ng mga solusyon sa problema o mahusay silang magbigay ng mga ideya at mga proposal.  Mahusay kasi sila sa pagsasaliksik ng maraming bagay.  Kung ikaw ay nasa research project, isama mo sa team mo ang taong may mystic cross. 
 
Kung ang mystic cross ay nakalagay sa ibaba ng ring finger, ito ay ang tinatawag nating mount Apollo ay masasabing napakaswerte ng mga taong ito kaya lang sayang ang swerte nila dahil hindi nila ginagamit ang kanilang mga talento. Ang mga taong may mystic cross sa lugar na ito ay mga malikhain o very creative.  Sila ay kinagigiliwan ng maraming tao.  Malakas ang kanilang charisma at kaya nilang papuntahin sa mga events ang mga tao.  Magaling silang mag invite.  Kung ikaw ay nasa networking at gusto mong mabilis na umangat sa business na ito ay kunin mong downline ang mga taong may mystic cross sa ibaba ng ring finger.  
 
Kung ang mystic cross naman ay nakalagay sa ibaba ng maliit na daliri na kung saan ay tinatawag nating Mount of Mercury, ikaw ay may pambihirang gift sa communication.  Sila ay mahusay sa marketing at magaling sila sa negotiation.  Kaya nilang ipaliwanag ng mabuti ang kahit na anong topic.  May kakayahan silang magpaikot din ng mga tao.  Kaya nilang mapaniwala ang mga tao kahit na hindi na totoo ang kanilang sinasabi.  Kung ikaw ay kukuha ng mga saleslady o salesman o taga kuha ng project sa business o presenter ay kunin mong staff ang mga taong may mystic cross sa Mount of Mercury. 

 

Maraming salamat sa iyong panonood at nawa ay naging malinaw sa iyo ang mga mystic crosses na matatagpuan sa ibat ibang bahagi ng ating palad. 

Sa next video natin ay sasagutin naman natin ang tanong na

“Anu-ano ang mga maling pagkakaunawa ng mga tao sa Mystic Cross”

Hanggang sa muli.


Comments