Bakit ako nanaginip ng AHAS na kulay BERDE? | Dreaming of green snake?


Bakit ako nanaginip ng berdeng ahas? | 

Why did I dream of a green snake?

 

Maaaring nagtataka ka kung bakit ka nanaginip ng berdeng ahas o green snake.  Tinatawag din na grass snake ang mga ito dahil na din sa kakulay nila ang mga damo.

May mga green snake na makamandag at meron din namang hindi. 

Iyon na nga, ikaw ay nanaginip ng luntian o green snake.

1.    Ikaw ba ay tinuklaw o tutuklawin

2.    Natakot ka ba?  Nangamba?

3.    Malaki ba o maliit ang ahas?

4.    Saan mo ito nakita?  Sa tubig, damo o sa puno?

5.    Gumagalaw ba o patay ito?

6.    Galit ba ang ahas o parang friendly ito?

7.    Lumilipad ba ang ahas?  O nahulog ito sa iyo?

Kung ang berdeng ahas na nakita mo ay tahimik lamang, hindi nagbabadya ng panganib, ito ay nagpapahiwatig ng pag-asa, kagalakan, kayaman, tagumpay at swerte. Sumisimbolo din sa paggalang, kalmado, at hindi kumplikadong buhay. Sa madaling salita, positibo ang mangyayari sa iyong totoong buhay.  Kung Malaki ang berdeng ahas, Malaki dn ang tagumpay, kaligayahan o swerte na darating sa iyo.  Pero kung ito ay maliit, maliit din ang swerte o kasiyahan na matatamo. 

Kung ang ahas naman na nakita mo ay galit at nagbabadya ng panganib at ikaw ay may naramdamang takot, nagbabadya ito na ang magandang kapalaran mo ay maaaring mawala o mapurnada.  Ang damdamin na natakot ka ay merong kang mararanasan na hindi maaliwalas na pangyayari na magdudulot sa iyo ng paggawa ng desisyon na hindi mo magugustuhan pagkatapos.  Mag-ingat sa bawat gagawin lalo na sa iyong kinabukasan o kaligayahan.  Ang swerte o magandang kapalaran ay maaaring mawala sa iyo.  Alisin mo ang takot at mag-ingat sa lahat ng iyong gagawing desisyon. Kung Malaki ang ahas, Malaki din ang kapalaran na malalagay sa panganib, ganoon din kung ito ay maliit. Ang green ay sumisimbolo din na hindi pa hinog ang iyong ibang mga kakayahan.  Kailangan mo ding linangin ang iyong mga abilidad o talino.

Kung ang ahas na nakita mo ay malikot, galaw ng galaw at hindi mapakali, pero hindi nagbabadya ng panganib, ito ay sumisimbolo sa kalat kalat o hindi organisado mong pag-iisip.  Sumisimbolo din ito na ang enerhiya mo ay hindi naka focus sa isang bagay lamang.  Dahil dito, kailangan mong ayusin ang time and resources management mo.  Huwag kang gumawa ng maraming activities na aagaw ng oras at lakas mo.

Kung ang berdeng ahas ay tumawid sa iyong nilalakaran, ang kapalaran ay daraan lamang sa iyo, mararanasan mo ito pero hindi ito magtatagal ng mahabang panahon.

Kung ang berdeng ahas ay umaahon mula sa tubig at walang ipinagbabadya ng panganib sa iyo, ang magandang kapalaran ay dalisay o malinis. 

Kung ang berdeng ahas ay umaakyat sa puno, ang iyong magandang kapalaran ay lalago pa.

Kung patay ang berdeng ahas, hindi ka mahihirapan kamtin ang magandang kapalaran.

 Kung ikaw right-handed person at ikaw ay natuklaw ng makamandag na berdeng ahas sa kanang kamay, tapos nakaramdam ka ng takot o pangamba, ang iyong magandang kapalaran ay may malaking balakid at magdudulot sa iyo ng sakit o hirap ng kalooban.  Ang kanang kamay kung ikaw ay right-handed ay nagbabadya na ang iyong mga skills, dunong, lakas ay malalagay sa isang malaking pagsubok na maaaring ito din ang magpawala ng magandang kapalaran sa iyo.  Dapat na maging mabuti sa kapwa kahit na ikaw ay mahusay na manggagawa.  Kung ikaw naman ay provider sa family, dapat ay marunong kang makisama sa ibang tao lalo na sa iyong employer o boss.  Ang talino o husay sa pagtatrabaho o pag nenegosyo ay nawawalan ng saysay kung hindi magiging mabuti sa mga tao sa paligid.

 Kung bigla na lamang sumulpot ang makamandag na berdeng ahas at ikaw ay inatake, may tao na biglang dadating sa oras na hindi mo inaasahan at magiging involved sa maganda mong kapalaran na maaaring magtraydor sa iyo upang hindi mo makamit ang magandang kapalaran.

Kung ikaw ay may ibang katanungan pa tungkol sa berdeng ahas sa iyong panaginip ay mangyari lamang na magbigay ng komento sa video at sisikapin ko na ito ay mabigyan ng linaw.

 Antabayanin din ang mga videos ko tungkol sa pula, puti, itim, batik-batik, brown o kayumanggi na mga ahas.

 Hanggang sa muli, maraming salamat sa panonood.

 

_End_

Truth or Fiction by Alvin Labios

Comments

Popular Posts