Bakit ka nananaginip ng Ahas | Why do I dream about snakes
Bakit ako nananaginip ng
Ahas?
(Why did I dream of snakes?)
#DreamsInterpretation
#GreenSnakes
#DreamingOfGreenSnakes
Maaaring
tinatanong mo ang sarili mo kung bakit ka nananaginip ng Ahas. Masama ba ito? Nakatatakot ba ang kahulugan nito? May mga dapat ba akong iwasan? May mga bagay ba akong dapat na gawin? May magtatraydor ba sa akin? Sa video na ito ay matutuklasan niyo ang mga pangkalahatang
kahulugan ng panaginip tungkol sa ahas. Iyong
general meaning ng ahas sa panaginip ang ibibigay ko sa inyo at kung hindi niyo
mahanap ang sagot sa inyong katanungan kung bakit ay maaaring nasa ibang mga
video ko ang kasagutan.
Bakit
ako nananaginip ng Ahas?
Una,
dapat mong tingnan kung ano ang iyong paniniwala o relihiyon dahil nakadepende
ang magiging kasagutan o kahulugan nito sa iyo.
Kung
ikaw ay Hindu o naniniwala sa mga katuruan ng Hindu, ang mga sasabihin ko ay
para sa iyo.
Ang
kahulugan ng ahas sa panaginip ay positibo.
Wala kang dapat ipag-alala.
Bakit? Dahil ang Ahas ay
sumisimbolo sa Kundalini. Ano ba ang
Kundilini? Ang Kundalini sa mga Hindu ay
ang life-force energy, ito ang mga energies na nagbibigay ng lakas sa buhay
natin. Sa ibang salita ang Kundilini ay
ang internal power natin na kung saan ang energy ay dumadaloy sa ating mga
chakras.
Chakra,
ano ang Chakra? Ang mga chakra ay mga sentro ng enerhiya ng indibidwal na
nauugnay sa mga pisikal, mental at emosyonal na pakikipag-ugnayan. May pitong
Chakra ang ating katawan at may mga ibat ibang kulay na nakaugnay sa mga
ito. Ang mga chakra ay ang pagbubukas sa
aura ng isang tao na nagpapahintulot sa enerhiya ng buhay na dumaloy at
lumabas. Importante na bukas ang ating mga chakra. Dahil pinapasigla nito ang
ating pisikal na katawan.
Kapag
barado ang mga chakras, hindi makakadaloy ang mga energy na ito.
Ang
kundalini (ito iyong life-force energy) ay mula sa Sanskrit language na ang
ibig sabihin ay “Coiled Snake” o nakapulupot na ahas. Ano naman ang Sanskrit Language? Ito ay napakatanda ng language ng mga Hindu
na pinaniniwalaan din nilang sagrado o banal dahil ito ay ginagamit nila noon sa
pakikipag usap sa kanilang mga diyos. Kaya
kapag nanaginip ng Ahas at pinaniniwalaan mo ang katuruan ng mga Hindu, ibig
sabihin ay magbubukas ang mga chakras mo, sisigla ang iyong pisikal, mental at
emotional na pangangatawan mo at makakatuklas ka ng bagong kakayahan sa buhay.
Sinusuportahan
naman ng medisina ang paniniwalang ito ng mga Hindu. Bakit?
Dahil ang logo ng medisina ay ang coiled snake. Saan naman galing ang ideya ng mga medisina
at ito ang kanilang ginamit na logo.
Ayon
sa bibliya, mababasa sa aklat ng Numbers, Chapter 21:9
9At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa
isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa
ahas na tanso.
Ang tikin nga pala ay pole sa English. Karaniwan na ang pole ay mahaba at pabilog na
nakatayo. Bakit gumawa si Moises ng Ahas
na tanso at nakapatong sa tikin. Dahil
ipinag-utos ito ng Panginoon upang iligtas ang mga marereklamong mga Israelita
noon. Sa sobrang pagrereklamo nila ay
nagsipagsalita sila ng laban sa Panginoon.
Nagalit ang Diyos sa kanila kaya nagpadala ng mga ahas bilang parusa sa
kanila. Sa mga natuklaw ng ahas at gustong
mabuhay, kailangang tumingin at manampalataya sila sa ginawa ni Moises na Ahas
na tanso na nakapatong sa tikin. At
ganoon nga ang nangyari, nabuhay ang mga nagsisampalataya sa Ahas na tanso na
nasa tikin. Ito ang ginamit ng medisina
na logo nila na nakabase sa paniniwala ng mga Hindu at ng mga matatandang
Israelita.
Subalit sa mga modernong Kristiyano ngayon, iba
ang pinaniniwalaan. Bakit? Dahil sa Ahas (representante ng Diyablo) ang larawan na binanggit sa unang aklat ng
bibliya, o aklat ng Genesis na luminlang kay Eba upang magkasala laban sa
Diyos. At iyon ay ang pagkain ng
mansanas o ang bunga ng prutas na ipinagbabawal ng Diyos. Kaya sa mga modern Christians ang Ahas ay
sumisimbolo sa kaaway, panlilinlang o pagtatraydor. Ahas ang ginamit ng simbolo ng bibliya na
naglalarawan kay Satanas.
Kung sa unang aklat binanggit si Satanas bilang
Ahas, ganoon din sa huling aklat ng bibliya, ang Revelation o Pahayag o
Apocalypsis Chapter 12:9 At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang
tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y
inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
Noong itinapon ang mga Diyablo sa lupa,
nalaman nila na may babaeng nanganak ng sanggol na lalake. Galit na galit ang mga diyablo dahil ang
batang ito ay ang tagapagligtas. Tinugis
ng Diyablo ang babae pero iningatan ito ng Diyos. Dahil dito tinutugis ng mga
Diyablo ang mga tao na naniniwala sa Tagapagligtas upang idamay sa kaparusahang
naghihintay sa kanila.
Ibat
iba ang mga kahulugan ng Ahas sa panaginip.
Dapat isa alang alang ang kulay ng ahas, ano ang ginagawa ng ahas? Ano ang ginagawa ng mga karakter sa
panaginip? Ano ang iyong damdamin habang
nananaginip ka ng Ahas?
Sundan
ang mga videos ko tungkol sa mga kahulugan ng ibat ibang kulay ng Ahas.
Hanggang
sa muli.
-End-
Truth or Fiction by Alvin Labios
Comments
Post a Comment