PULANG AHAS, mayroon bang dapat ipangamba? | What is the meaning of re...


Pulang Ahas

Welcome mga kaibigan sa ating segment ng Pag-i-interpret ng mga panaginip

Maraming mga tao na ang nananaginip ng tungkol sa ahas at maaaring isa ka sa kanila.  Maraming kulay ang ahas sa ating panaginip at importante na malaman natin ang kulay nito.  At ngayon nga ay bibigyan nating ng linaw ang kahulugan ng kulay pulang ahas sa panaginip. 

Kung sakali naman na ibang kulay ng ahas pa na nakita mo sa panaginip, sundan ang ibang mga videos natin tungkol ditto at para maintindihan din ang mga kadahilanan at kahalagahan kung bakit tayo nananaginip ng Ahas

Karamihan sa atin, lalo na kung ikaw ay lumaking Kristiyano o Muslim ay negatibo ang unang pumapasok sa ating isipan kapag ahas na ang napanaginipan.  At dahil iba iba din ang kulay ng mga ahas, iba iba din siyempre ang mga kahulugan nito.

Sa video na ito ay bibigyan natin ng kahulugan ay ang mga sumusunod kaya kung handa ka na, tara at sama sama nating tuklasin ang mga nakatagong lihim ng pulang ahas sa ating panaginip:

1.       Hinahabol ka ng pulang ahas.

2.       Nakita mo ang pulang ahas sa isang lawa.

3.       Sinusubukan ka ng pulang ahas na patayin.

4.       Pinatay mo ang pulang ahas.

5.       Malaki ang pulang ahas sa panaginip mo.

6.       Nakita mo ang higit sa isang pulang ahas.

 

Ang panaginip ng pulang ahas ay nauugnay sa kasiyahan at kaligayahan dahil ang kulay pula ay madalas na konektado sa silakbo ng damdamin PERO, may panganib din. Ang managinip ng pulang ahas ay parang “Garden of Eden” masaya, maganda pero may panganib na naka amba dahil may manunukso.  Mahalagang makuha ang mga detalye ng panaginip para makuha ang tamang interpretasyon. Ang pulang ahas ay nauugnay sa isang inner self-belief.  Ibig sabihin ang nananaginip ay may taglay na paniniwala na siya lang ang naniniwala na kaya niyang gawin ang negatibong sitwasyon para ito ay maging positibo.   May taglay na nakatagong kakayahan ang nananaginip para gawing masaya ang isang sitwasyon na pangit.

Maraming tao sa buong mundo ang natatakot sa mga ahas at ito ay may epekto sa estado ng panaginip. Halimbawa kung sa totoong buhay ay takot ka talaga sa ahas, kung ikaw ay mananaginip, natural na iyong takot na iyo at ito ay may malaking epekto sa pagkuha ng kahulugan ng panaginip tungkol sa ahas na pula.  Ang maganda sa kulay pulang ahas sa panaginip ay, bagama’t takot ang nanaginip nagbibigay naman ito pag-asa na makakayanan ng nanaginip  na maisaayos ang sitwasyon upang ang panganib ay mapagtagumpayan.  Happy ending ika nga ang pulang ahas.

 

HINAHABOL KA NG PULANG AHAS.

Ang habulin ng isang pulang ahas sa panaginip ay nagpapahiwatig na mayroon kang takot at pag-aalala sa sitwasyon ngunit sa bandang huli, ito ay magiging positibo. Halimbawa may manliligaw ka, alam mo namang gusto mo din siya pero natatakot kang pumasok sa relasyon.  Dahil hindi ka naman tinuklaw ng ahas, kundi hinahabol ka palang, nangangahulugan ito na may pag-asang maging maganda ang desisyon na gagawin mo kung aalisin mo ang takot sa dibdib mo.  Magiging maganda ang resulta ng iyong desisyon kung aalisin mo ang takot mo sa puso mo.  Hindi lang sa usaping puso ito,  pwede din sa trabaho, iyong pinagnanasaan mong bagay na gusto mong mapasa iyo, o bagay na gusto mong gawin sa buhay.  Pinaniniwalaan na ang pula ay sumisimbolo ng mataas na enerhiya (energy), pagnanasa (desire), isang bagong yugto ng buhay (new Chapter) at pati na rin ang buhay mismo.  Dahil ang kulay na pula ay konektado sa dugo madalas itong maiugnay sa isang bagong simula (new beginning).  

PULANG AHAS SA DAMUHAN

Kung ang ahas na nakita mo sa panaginip mo ay nasa damuhan na parang nagtatago, pero  dahil kulay pula ito, ay madaling makikita.  Tumutukoy naman ito sa isang taong nagtatago ng katotohanan mula sa iyo. May inililihim si Marites sa iyo.  Ang managinip ng ganito ay isang positibong pangitain.  Kaya maaari kang gumawa ng isang bagay upang matuklasan mo ito.  Pero alalahanin mo din na may mga bagay na mas nakabubuting hindi na natin malaman pa.  Minsan sa totoong buhay ay may nakakasama tayong mga tao na tila may gustong sabihin sa atin, nasa sa iyo na ang desisyon kung gusto mo itong alamin.  Kung hindi ka magtatanong, hindi mo malalaman.  Pero kung malaman mo naman, ano kaya ang magiging epekto nito sa iyo?

PINATAY MO ANG PULANG AHAS.

Kung nakapatay ka ng isang pulang ahas sa panaginip, nangangahulugan ito na magkakaroon ng isang madamdaming pag-iibigan sa hinaharap.  Ang elemento ng panaginip na ito ay nawala dahil napatay mo ang ahas na iyon.  Naging matapang ka upang ipagtanggol ang minamahal o iniibig o sinisinta. Happy ang ending ng love story.  Pwede din itong tumukoy sa trabaho na gustong gusto mo, na kung ipaglalaban mo ay mapapasa iyo. 

SINUSUBUKAN KA NG PULANG AHAS NA PATAYIN.

Ang atakihin ka naman ng pulang ahas ay labis na nakakatakot.  Bakit naman hindi, makita mo ba naman na galit sa iyo ang ahas at balak kang patayin, di ba.  Ang pag-atake ng pulang ahas sa iyo para ikaw ay patayin ay nagpapahiwatig lamang ng paglapit sa iyo ng mga tao. Hindi para patayin ka kundi para para  humingi ng payo, tulong, attention o makipagtulungan sa iyo.  Iyong passion o pagmamahal mo sa ginagawa mo ang interest nila.  Halimbawa may nakakahiligan kang laro at nakita nila na ikaw ay nag e excel doon at sila man ay nai engangyo mo na maglaro din, kung kaya may mga damdamin sila ng pagka inggit pero positibong inggit at gusto nilang magpaturo o magpa coach sa iyo.  Kung halimbawa naman  ikaw ay may project at nakikita nilang kumikita ka sa project na ito, lalapit sila sa iyo upang matututo din at gawin kung ano ang ginagawa mo.  Maaaring ang takot na mararamdaman mo ay ang maging competitor sila at maaaring masapawan ka o maungusan ka nila kapag tinuruan mo sila.  Ito ay hindi malayong mangyari dahil matututo sila kapag tinuruan mo.  Maliban na lamang kung kayo ay magsuportahan sa isat isa para maging masaya ang pagkakaibigan.  

 

PAGPAPALIT NG BALAT NG PULANG AHAS.

Ang isa pang elemento na mahalagang mabigyan ng pagpapahalaga ay ang makita mo ang pulang ahas na ito ay naglulunos o nagpapalit ng balat.  Ang dahilan kung bakit nagpapalit ng balat ang ahas ay sapagkat lumalaki ito.  Para itong damit ng mga tao na habang lumalaki tayo ay lumalaki din ang damit na isinusuot natin.  Hinuhubad ng ahas ang lumang balat at napapalitan ito ng bagong balat.  Kaya kung ikaw ay makapanaginip ng ahas na nagpapalit, ito ay tumutukoy laman sa pagbabago o pagsilang.  Magkakaroon ng bagong chapter ang buhay mo na iyong haharapin.  Maaaring ikaw ay malipat ng trabaho, o magkaroon bagong pag-ibig, o kaya ay lumipat ng tirahan.  Isang masayang pagbabago ito ng buhay mo.   

PULANG AHAS SA LAWA O TUBIG

Ang isang pulang ahas na lumalangoy sa isang lawa o kung ito ay nasa ibabaw ng tubig ay nagpapahiwatig na may isang tao na gigising sa iyong damdamin sa hinaharap.  Ito ay maaaring isang hamon sa iyo upang suriin ang damdamin.  Maaaring ang taong ito ay may pagnanasa sa iyo o may gusto sa iyo at ikaw naman ay makakaramdam din ng kakaibang damdamin.  Mag-ingat lamang na mahulog ka sa iyong damdamin lalo na kung ikaw naman ay meron ng asawa o kasintahan.  Bagamat kaligayahan ang dulot nito o maaaring mag enjoy ka sa pagkakaroon ng bagong pag-ibig, tandaan lamang na may mga consequences ang bawat gawa natin.  

NAKITA MO ANG HIGIT SA ISANG PULANG AHAS.

Ang managinip naman ng higit sa isang pulang ahas ay isang nagpapahiwatig na makakatagpo ka ng isang kaaway ngunit ito ay isang taong mahina at hindi siya magtatagumpay.  Magkakaroon kayo ng mainit na mga pagtatalo o kaya ay hindi pagkakasundo.  Pero kung magiging maingat ka ay maaaring maging kaibigan mo pa siya sa bandang huli. 

DALAWA ANG ULO NG PULANG AHAS.

Ang dalawang ulo sa isang katawan ay sumisimbolo sa pag iisang dibdib o kasal, o kaya naman ay pagbabalikan ng 2 taong dating nagmamahalan. 

PINATAY KA NG PULANG AHAS.

Ito ay tumutukoy sa sinisira mong relasyon kung ikaw ay may karelasyon o kaya naman ay hindi mo ginagampanan ang trabaho mo dahil may mga agam agam ka at nasisira ang career mo.  Iyong kamatayan mo dito ay sumisimbolo sa iyong kasiyahan na napapalitan ng kalungkutan o disappointment na ikaw din naman ang pinagmumulan.  Huwag mong pigilan ang iyong damdamin na maging masaya dahil lamang sa mga pagdududa mo o dahil may hinihintay ka pang mga signs.  Huwag mong patayin ang damdamin mo sa kalungkutan o kaya ay ang kasiyahan mo sa pag unlad sa trabaho dahil lamang sa agam agam mo. 

Hanggang sa muli mga kaibigan sana ay nahanap niyo ang kasagutan sa video na ito.  Mag message lamang sa comment section sa ibaba ng video kung meron kang katanungan tungkol sa ahas na pula.


Truth or Fiction by Alvin Labios

 


Comments