Do you have the Hands of Billionaire | Palmistry | Pasabog TV


 

Ang Pambihirang mga letra sa kamay ng tao









Maaaring naitanong niyo na sa inyong sarili kung bakit mayroong ilang tao na ubod ng swerte sa buhay.  Sila iyong isang ticket lang ang binili, pero sila pa iyong nanalo.  Samantalang iyong iba na halos buwan buwang tumataya sa lotto ay hindi kailanman nanalo.

Mayroon namang mga tao na ubod bilis na mapromote sa trabaho.  Kapapasok lang sa kumpanya, wala pang isang taon, promoted na.

Mayroong mga tao na ang daling makahanap ng trabaho o kaya naman ay ang bilis pumasok o dumating ng pera.

Swerte ang tawag natin dito.  Kung ikaw ay nagsusugal, kahit na gaano ka pa ka expert ay tatalunin ka ng baguhang masuwerte.

Kaya naman sa video na ito, baka ikaw ay mamangha sapagkat ang video natin ngayon ay tungkol sa mga guhit ng palad ng mga taong may taglay na malaking swerte sa buhay.  At malay mo ikaw ay isa sa kanila. 

Ang mga bihira at pambihirang marka sa mga palad ng masusuwerteng tao.

Ito ay ang markang M, X and V.  Tulad nina Bill Gates at Warren Buffet, ilan lamang sa mga bilyonaryo sa buong mundo na merong ganitong marka sa palad ay maaaring ikaw din ay meron nito.

Halina at tingnan ang mga palad mo at alamin kung isa ka sa mga kukunti lamang na may taglay ng ganitong mga marka sa palad.


Markang M









Ang markang M ay nabubuo kapag ang tatlong pangunahing linya sa iyong mga palad tulad Heartline, Headline at Lifeline ay nagugnay ng Fate line. 

Anong klaseng letter M nga ba ang dapat nating matagpuan para sabihin na isa tayo sa pinakamasusuwerteng tao sa mundo?

Maraming mga tao na ang palad ay may markang M, pero sila na nga ba ang tinutukoy na pinakamasusuwerteng tao sa mundo?

Ang letter M dapat meron ka sa iyong palad ay malinaw. 

Lahat ng guhit nito ay pantay pantay ang linaw. 

Walang malabo. 

Walang mga islands,

walang mga lines na humahati sa Lifeline, Heartline at Headline. 

Kung ito ang letter M na meron ka, ikaw na ang pinagpala. 

Ano nga ba ang dahilan kung bakit masusuwerte ang mga taong ito na magkakaroon ng malaking tagumpay at malaking kayamanan sa buhay.

Kapag ang mga pangunahing guhit na Lifeline, Heartline, Headline ay pinag konek ng Fate line at nabuo ang pambihirang letrang M sa gitna na siyang bihirang maganap sa mga palad ng tao, ang taong merong palad na ganito ay pinagpala ng malaking kayamanan at tagumpay. 

Ano ang ibig sabihin ng may markang M?








Sa madaling salita, ang mga taong biniyayaan ng M na pagmamarka ay karaniwang malikhain, self-motivated, well-disciplined, problem-solver, mataas ang ambisyon, masigasig sa pagkamit ng tagumpay kahit anong larangan pa siya mapunta.  Ibinibigay niya ang best niya na karaniwang mabibigyang pansin agad dahil sa umaangat ang kaniyang abilidad sa lahat ng kaniyang mga kasamahan.

Sila ay walang takot na suungin ang mga bagay o gawain na madalas ay kinakatakutan ng marami.  Hindi din sila takot sa malalaking responsibilidad.  Sila ay ipinanganak na leader o tagapamuno.  Sila ay may natatanging talino, diskarte at abilidad pagdating sa pagnenegosyo.  May mataas na antas sila ng pag-iisip at sobrang malikhain na kung anupat, ang mga bagay na karaniwan ay nagagawa nilang extra ordinaryo.

Hindi sila nalilimitahan ng mga conventional na standards o ng mga conventional learnings na naituturo ng iba.  Naabot nila ang antas ng pagiging Master sa kahit na anong larangan.

Ang kanilang matalas na imagination at instincts ang kadalasang naghihiwalay sa kanila sa mga karaniwang mga tao.  May mga abilidad sila mga karera ng education, journalism politics, business at arts.  Mayroon din silang natatanging talento pagdating sa financial management at sinisigurado nila na bawat tagumpay ay magbubunga ng panibagong tagumpay.

Ang mga taong may markang M ay karaniwan ding mga matatandang kaluluwa na sila ay anupat napaka ispiritwal na tao.  Mayroon silang natatanging karanasan at talino upang maituro sa iba ang kanilang natutunan na. Sila ay pwedeng maging psychic o may gift ng panghuhula at makita ang mangyayari sa hinaharap. 

Sa maraming mga articles na mababasa natin, ayon sa pagtatagpo ng mga guhit ng headline at heartline sa pamamagitan ng fateline ay nag-uumpisa ang pagdaloy ng malaking kayaman o tagumpay sa edad na 40.  Subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ay dito nag-uumpisa ang tagumpay ng taong may markang M. 

Kung ikaw ay mayroong ganitong marka ay pagtuunan mo ng pansin sarili mong kalakasan at talento.  Huwag mong ubusin ang iyong panahon sa pagtatrabaho para sa ibang tao.  Pagbuhusan mo ng panahon ang pagtatayo ng negosyon na angkop sa iyong kagustuhan at kakayahan.  

Ang markang X









Mayroong isang napaka espesyal na marka sa ating palad na matatagpuan sa pagitan ng Heartline at Headline.  Alam mo ba na mayroon lamang 3% ng buong population natin ang may letrang ito sa kanilang mga palad.  Ang isang sikat na tao sa history na meron nito ay si Alexander The Great. 

Kilala niyo ba si Alexander The Great?  Kung hindi pa, eto.  Si Alexander the Great ay isang Hari ng Macedonian at Persia at isa sa pinakadakilang utak-militar sa kasaysayan  na nagtatag ng pinakamalaking imperyo sa buong mundo. Si  Alexander the Great o kilala bilang si Alexander III ay isinilang sa Pella, Macedonia, noong 356 B.C. kay Haring Philip II at Reyna Olympias.  Sa alamat ay mababasa natin na ang kaniyang ama ay si Zeus, ang pinuno ng mga diyos na Griyego.  At hanggang sa kasalukuyan ay atin pa ding nababasa at nakikilala siya bagamat ilang libong taon na ang lumipas.

Paano nga ba napatunayan na ang markang x ay may malaking impact sa buhay ng tao na meron nito?

Sa Moscow, ang STI University ay nagsagawa ng isang pananaliksik sa mga taong may markang X sa kanilang mga palad. Pinag-aralan nila ang buhay at kapalaran ng mga taong ito at napag-alaman nila na ang mga taong may markang x sa palad ay talagang tanyag at makabuluhan.

Kung ikaw ay may markang x sa isang kamay lamang, ikaw ay magiging lubhang matagumpay, mahusay at sikat.  Kung meron ka namang markang x sa magkabilang kamay, ikaw ay hindi lamang magtatagumpay, magiging mahusay at sikat kundi ikaw maaalala pa rin kahit ikaw ay mamatay.  Ang ilang mga sikat na mga leader na merong markang x sa kanilang palad ay sina Pangulong Abraham Lincoln at Pangulong Vladimir Putin.

Ang personalidad ng mga taong may markang x ay matalino, intuitive, matalas at mabait. Sila ay nagpapamalas ng kapangyarihan at awtoridad.   Kung mayroong magtataksil o gagawa ng masama laban sa kanila ay sinisigurado nila na pagbabayarin nila ang mga ito. Sila ay mababait pero hindi bulag at tanga upang mag tolerate ng mga taong gumagawa ng masama laban sa kanila.   Ang mga taong ito ay mayroon ding mahusay na memorya at napakaraming kaalaman. Sila ay responsable at mabubuting kalooban.

Ang markang V









Pagmasdan mo ang iyong Heartline.  Mayroon ka bang nakikitang markang V sa dulo nito?  Naguumpisa ang Heartline mula sa ibaba ng hinliliit at patungo sa gitna. 

Isa ka ba sa mga taong mayroong markang V? 

Ang Heartline sa palmistry ay isa sa apat na pangunahing linya na hinuhulaan sapagkat ito ay tumutukoy sa relasyon at emosyon. 

Ang markang V na matatagpuan sa dulo ng Hearline ay tumutukoy sa progresibong pag-unlad ng negosyo o personal na pag-unlad.  Ibig sabihin nito ay patuloy ang pagdaloy ng pera kung ikaw ay nagnenegosyo.  Sa iba ang V ay tumutukoy sa salitang Victory or Victorious (Tagumpay o matagumpay) At kung ikaw ay meron nito tila ikaw ay sumasahod lamang ng mga biyaya at pagpapala.  Nakakita ka na ba ng imbudo o funnel?  Ganito ang pagsasalarawan ng markang v na nakadugtong sa heartline.  Ang imbudo ay ginagamit upang matipon anuman ang mailagay dito.  Kinukulekta ng imbudo o funnel ang anumang mahulog dito.  

Kung ikaw ay may markang V, makakahanap ka ng mga kaibigan na mapagkakatiwalaan at sumusuporta sa iyo sa panahon ng kahirapan sa buhay.  Kadalasan ay gumagawa ng magandang pangalan ang mga taong may markang V.  Na siya namang nagiging dahilan ng pagyaman, pagsikat at pag-unlad.  Subalit ang buhay ng mga taong may markang V sa heartline ay karaniwang dumadaan sa malaking pakikibaka sa buhay at nagkakaroon ng malaking pagbabago pagdating nila ng edad na 35. 

Mga kaibigan iilan lamang sa mga tao na mayroon ng kumbinasyon ng markang M, X at V.  Ayon sa mga researchers, ang mga taong meron nito ay ang mga bilyonaryong si Warren Buffet at Bill Gates.

Madalas nating madinig na ang kapalaran natin ay nakaguhit sa ating palad.  Tayo ang gumagawa ng kapalaran natin.  Napakaganda kung makikilala mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng iyong mga palad.  Ganoon din naman na ang mga guhit kung iyong matutuklasan ang kahulugan ay hindi ka maliligaw.  Ang ating mga guhit ay ang mapa ng ating buhay.  Kung hindi mo alam kung saan ka papunta, maliligaw ka at baka huli na bago mo matunton ang daan tungo sa dapat lakaran

Ikaw kaibigan ,alin dito sa mga markang ito ang meron ka?  Magcomment lamang sa ibaba ng video.














Hanggang sa muli at maraming salamat sa iyong panood.  Kung nagustuhan mo ang video na ito ay, mangyari lamang na mag subscribe ka na para masundan mo ang mga susunod ko pang bagong video. 


Truth or Fiction by Alvin Labios

 


 


Comments