Fish pointing towards the mount of Mercury | Palmistry | Pasabog TV


Ano ang kahulugan ng isda na nakaturo sa hinliliit?

Ayon sa aklat ng Job 37:7  (New king James version), ganito ang sinasabi,  “God has sealed the hands of man, so that every man will know all His works. “

Sa Tagalog mula naman sa Ang Dating Biblia - Tinatatakan niya ang kamay ng bawa't tao: upang maalaman ng lahat ng mga tao na kaniyang nilalang.

Anong tatak ba ang tinutukoy dito ng bibliya?  Ang tinutukoy na tatak sa kamay ay ang mga guhit ng ating palad.  Sa katunayan nga personal identity natin ang mga guhit na ito dahil wala itong katulad.  Personal identification natin ang thumb mark at finger prints natin.  Tayo lang kasi ang meron nito at wala ng iba.  Makikilala tayo ng mga forensic experts sa pamamagitan ng guhit sa ating mga palad.

Ang pag-aaral ng guhit ng palad ay hindi imbento lamang ng mga ma aligagang mga utak, kundi ito ay may basehan kung bakit meron tayo nito.  At ang sabi nga sa bibliya ay tatak ito ng Diyos sa lahat ng tao na kaniyang nilalang tulad natin upang malaman ang mga bagay na ginawa at gagawin pa ng Diyos sa atin.   

 

Noong nakaraang video ay nalaman natin na ang isdang nakaturo sa pulso ay hindi inaasahang pera na matatanggap magmula sa edad na 50 pataas.   Kung hindi niyo pa napanood ang video na iyon ay iminumungkahi ko na panoorin niyo din pagkatapos ng video na ito.

Ngayon naman ay malalaman niyo ang ibig sabihin ng isda na nakaturo sa itaas.  Sigurado ko ang ibang nakapanood ng video ay ganoon din ang kanilang katanugan.  Well, ito mga kaibigan ang kahulugan ng isda na nakaturo paitaas tulad ng larawan na nakikita mo sa ating screen.











Kung ang isdang malinaw ang guhit at walang depekto ay nakaturo sa hinliliit, samakatuwid ay nakaturo sa mount of Mercury, ang ibig sabihin lamang nito ay may kaugnayan ang hindi inaasahang pera sa kahusayan mo sa Communication,  Calculations, Karunungan at Kakayahang mag-isip. 

Tingnan ang iyong palad, ikuyom ng bahagya at tingnan kung ano ang hugis o umbok ng mount of mercury mo.

1.   Katamtaman ang umbok ng Mount Mercury

Kung ang Mount of Mercury mo ay katamtaman ang umbok  (hindi ito flat at hindi din sobrang matambok) ikaw ay mahusay sa communication.  Kapag sinabi nating mahusay sa communication, malinaw, maganda at organisado ang iyong pagsasalita.  Maaaring ikaw ay may magandang boses o masarap kang pakinggan pag nagsasalita.  Magiging successful kang radio announcer, host o emcee, broadcaster o kaya ay tv anchor.  Sa pagsusulat naman, ikaw ay may organisadong pag-iisip, maayos at malinaw ang mensahe mo.  Ikaw ay pwedeng maging successful na writer o journalist.  Mahusay din ang bawat paggalaw mo dahil umaayon ito sa iyong pagsasalita.  Malinaw din kung magbigay ka ng mensahe gamit ang body languages mo. Matalino at mabilis kang mag-isip, mahilig sa pag-aaral, mahusay sa pamamahala o management, kaya magiging successful ka sa pagbi business o pamamahala ng negosyo.  Mahusay ka din sa calculation o pagi estimate, kaya pwede kang maging successful na Engineer o Teacher, o kaya ay kumbinasyon, Engineer na, teacher pa.  Dahil dito nakaturo ang iyong isda, magkakaroon ka ng unexpected na mga promotion, karagdagang suweldo bukod sa malaki na ang iyong sinasahod. 

Ang problema mo lamang ay ang katamaran.  Sapagkat dahil mahusay ka sa pagsasalita, karaniwan ng ikaw ay nagkukulang naman sa gawa.  Dahil sa katamaran, may posibilidad na ikaw maging tuso o mahilig gumawa ng plano na magpapadali ng trabaho mo.  Ano ang ibig sabihin nito.  Gusto mong makuha agad agad at sa kahit na anong paraan ang mga bagay na gusto mo, na siya namang pwedeng ikasira mo.  Dahil na din sa ikaw ay may katamaran, gusto mo sa paraan na madali makukuha ang mga bagay na gusto mo tulad ng promotion sa pwesto at sweldo.  Madali ding magbago ang iyong mga moods.  Tulad ng planetang mercury na malapit sa araw, temperamental ka at madaling mapikon o madaling mag-init ang ulo. Ingatan mo na huwag kang mahulog sa ganitong mercurial personality dahil ito ang magiging hadlang sa mabilis na promotion sa career mo.  Para maging sigurado na makukuha sa tamang paraan ang inaasam mo sa buhay tulad ng pagyaman at pagiging successful, kailangan mong maging mahinahon kapag nagagalit, kailangan mong magsipag at magtiyaga,  Kailangan mong maging result-oriented.

 2.    Flat o mababa ang umbok ng Mount Mercury

Kung Flat o mababa ang umbok ng Mount Mercury, ito ay hindi magandang senyales.  Bagaman nakaturo ang isda dito, may mga kahadlangan o kakulangan pagdating sa iyong hilig sa pag-aaral.  Pag flat, wala kang hilig sa pag-aaral, hindi ka mabilis mag-isip or hindi ka mahusay sa communication, calculation at pamamahala o management.  Ikaw din ay mahiyain pagdating sa pagharap sa mga tao.

Kung sobra naman ang umbok

Kung sobra naman ang umbok ng iyong Mount of Mercury, ikaw ay isang certified in-born na Marites na mahilig sa kwentuhan, mahilig magsalita ng walang laman o walang saysay. Pero marami ang naaliw at nakikinig sa iyo.  Dapat mabawasan ang pagiging taklesa para maiwasan ang mga posibleng problema na may sumama ang loob sa iyo, mairereklamo ka sa barangay o kaya ay mademanda ka ng libel.  Dapat mong kontrolin ang iyong pagsasalita.  Dahil iyan ang magpapahamak sa iyo.  Ang mga promotion sa trabaho o career ay mapupurnada kapag hindi mo binawasan ang iyong madaldal na dila.

Isang tuwid, malalim at malinaw na guhit

Tingnan din ang mga guhit na patayo sa Mount of Mercury.  Kung may isang malalim at malinaw na guhit, ikaw ay magiging successful sa isang career at may isang technical skill na namaster siyempre may kaugnayan sa communication, calculation at management.  Magkakaroon ka ng unexpected na pera o kayamanan dahil na din sa mastery mo ng skill na ito.

Dalawang guhit na tuwid, malalim at malinaw

Kung mayroon namang dalawang guhit na tuwid, malalim at malinaw, pwedeng dalawang skills mo ang nadevelop mo ng husto at ikaw ay magiging successful sa career na binanggit na natin kanina.

Maraming guhit na tuwid, malalim at malinaw

Kung maraming guhit na tuwid, at malinaw, marami kang skills na natutunan at maaaring napakahusay mong tao.  Mahusay o magaling ka pero wala kang mastery sa mga skills dahil nga marami ang mga ito.  Ang tawag sa iyo ay Jack of all trade, master of none.

Walang guhit na malinaw, liku-liko ang guhit, may mga nakapahalang na guhit

Kung walang guhit o kaya naman ay hindi malinaw ang mga guhit, liku-liko ang mga guhit, o may guhit na nakapahalang, ang unexpected na suwerte ay mapupurnada o mahahadlangang.  Wag kang mag-alala dahil alam mo na ang mga kailangan mong gawin.  Baguhin mo ang iyong ginagawa ngayon.  Sikapin mong magkaroon ng hilig sa pag-aaral kahit na nahihirapan ka, sikapin mong magkaroon ng mastery kahit isang skill lamang at sikapin mong maging matiyaga at magkaroon ng mahabang pasensiya. Idevelop mo din ang iyong self-confidence.  Ito ang magpapabago ng takbo ng buhay mo tungo sa magandang buhay. 

Sa susunod na video ay ibibigay ko naman sa inyo ang kahulugan ng isda na nakaturo sa Mount of Apollo o Sunline.  Ito ay matatagpuan sa ilalim ng palasingsingan na daliri o ring finger.  Hanggang sa muli mga kaibigan, kung bago ka lang sa channel ko, magsubscribe na at wag kalimutang kalembangin ang notification bell. 


Truth or Fiction by Alvin Labios

Comments