Five Types of Hand in Palmistry | Makikilala mo ang tao sa pamamagitan ...

Ang video na ito ay pagpapatuloy lamang ng ating pag-aaral ng palmistry at alam niyo ba na sa hugis pa lamang ng mga kamay ay makikilala na natin agad ang ugali at saloobing ng isang tao.  Bagama’t may mas malalim na pag-aaral pa tungkol dito subalit sa topic natin ngayon ay magkakaroon ka na ng idea  pero sa unang pagkakamalas mo pa lamang sa isang tao ay pwede ka ng mag-adjust sa kaniyang pag-uugali kahit na ngayon mo pa lamang siya nakita.

At dito sa video natin ngayon ay ating kilalanin ang mga tao sa paligid natin upang hindi tayo makagawa ng anumang bagay na maaaring pagmulan ng alitan o samaan ng loob. 

Limang Uri ng Kamay

Ang pagbabasa ng mga uri ng kamay ay ang pinakasimpleng paraan sa palmistry at ito nakaayon sa hugis ng ating mga kamay. Ang uri ng kamay ay nagpapahiwatig ng pangunahing katangian o personalidad at saloobin ng tao.  Ibig sabihin sa hugis pa lamang ng mga kamay ay mababatid na natin agad kung paano siya nakikisalamuha, ano ang ugali at istilo niya sa pagtatrabaho.  Ito ay malaking tulong sa mga Hiring Manager upang matiyak na tama ang tao na kaniyang pinipili para sa mga bakanteng posisyon sa kumpanya. Ito rin ay malaking tulong upang maintindihan natin ang ating mga partner sa buhay.  Upang malaman natin kung paano tayo mag a adjust sa pakikisama sa kaniya.  Minsan ay hindi natin maintindihan ang ating mga partner sa buhay, hindi ba?  Pero kung matutunan mo ang mga pangunahing katangian niya ay alam mo kung paano siya lubos na pakikisamahan upang ang relasyon ay magtagal at maging masaya.

Merong limang uri ng kamay at ito ay ang mga

Metal Hand,

Wood Hand,

Water Hand,

Fire hand at

Earth Hand.

Halina at ating alamin kung ano ang katangian meron ka at ng mga tao sa paligid mo.

1.    Kamay na Metal

Ang Mga Kamay na Metal ay Nabibilang sa Makatwirang Mga Tao na Mataas ang Kakayahang Paggawa at Pamumuno

Mga tampok: parisukat na mga palad, mga daliri at mga kuko; puti, mahamog, mataba at nababanat na palad.

Personalidad:

·       Ang mga taong may metal na kamay ay praktikal,       hindi madaling maapektuhan ng mga tsimis lang,     malakas ang loob at      masunurin sa batas.

·       Sila ay may kakayahan at may talento sa pamumuno, sila ay patas o fair sa mga dealings nila or transactions at may sense of justice o sila ay makatarungan

·       Mas gustong protektahan kaysa i-bully ang mahihina.

·       Kapag sila ay natulungan, sila ay magbabayad.

·       Isa pa, ayaw nilang pabayaan o samantalahin ang iba. 

·       Mas madaling lapitan ng mga mahihira o mahihirap at hindi basta basta nahihingan ng tulong ng mga mayayaman o may kapangyarihan.

·       Ang mga taong may ganitong uri ng kamay ay may lakas ng loob na kayanin at pagtagumpayan ang mga hindi kanais-nais na sitwasyon, Kayang nilang magtiis sa presyur at baguhin ang kapaligiran upang kontrolin ang kanilang sariling kapalaran.  

·       Minsan, napaka-aktibo nila kung kayat madaling malaman ng mga tao sa paligid nila na under pressure sila.  

Relasyon sa Pag-ibig:

·       Hindi romantiko, hindi showy at  ayaw nila ng mga matatamis na salita na kadalasan ay wala ng ibig sabihin.   

·       Mas gusto nila ang taong nagpapakita ng nararamdaman sa pamamagitan ng gawa.  Iyong ipinaparamdam ang damdamin at hindi sinasabi lamang ng bibig. 

Kung gusto mong magsimula ng isang relasyon sa isang taong may metal na uri ng kamay, kailangan mong patunayan ang iyong pagmamahal sa praktikal na aksyon.

Trabaho: Kahit anong industriya ang kanilang pipiliin, kailangan nilang paunlarin ang kakayahan sa executive level o iyong pang managerial level.  Ang mga trabaho na angkop sa kanila ay  CEO, COO, manager, officer at lawyer.  Kailangang ng mahusay na abilidad sa communication, coordination and teamwork na nakatuon sa goal o objective or vision at ang mga ito ang kadalasan na kanilang nililinang upang magtagumpay sa profession.  Kaya kung ikaw ay may kamay na metal, ito ang mga trabaho na angkop sa iyo.  Kung kulang ka pa sa mga abilidad na nasa itaas ay gawin mo na ngayon ang pagpapahusay sa mga ito. 

 

 2.    Kamay na Kahoy

Ang Kamay na Kahoy ay nakaugnay sa mga taong artistic, creative, at may pagpapahalaga sa kagandahan ng paligid at ng kanilang mga gawa.

Mga Tampok: Mga pahaba na kamay na may mahahabang daliri, nakikita ang mga buko, at matigas na hinlalaki na mahirap yumuko.

Personalidad:

·       Ang mga taong may kamay na kahoy ay matigas ang ulo,  independent at

·       Mas gustong mapromote sa trabaho    Ayaw sa isang position lamang

·       madalas silang nananatiling misteryoso sa iba, napopoot sa cliquism, Cliquism ang tawag sa paggugrupo ng mga tao na sila lang ang nagkakaisa at hindi nagpapasok ng iba na hindi nila kauri.  Halimbawa, grupo ng mga Bisaya at ayaw nila na mahahaluan sila ng mga Ilocano o tagalog, cliquism ang tawag dito.  Pwede din nating tawaging mga regionalism sa Pilipinas.

·       Ayaw nila ng biglaang pagbabago dahil hirap sila sa pag-angkop o pag adapt.  Sigurado sila sa kanilang gusto.  Kaya pag may sinabi sila, iyon na iyon.

·       Hindi na din sila kailangan pang iremind sa kanilang mga obligasyon dahil ito ay kusa nilang ginagampanan.

·       Dahil meron silang napakalambot na puso, madalas silang makiramay sa problema ng iba kaya kadalasan ay naabuso sila.  

·       Curios din sila na matuklasan ang ibang mga karunungan tungkol sa  relihiyon, sining, pilosopiya, sikolohiya, atbp.

 

Relasyon sa Pag-ibig:

Ang mga taong may taglay na kamay na kahoy ay romantiko at may posibilidad na magkaroon ng Platonic na pag-ibig. Pag sinabing platonic love, ito ay iyong intimate na pagmamahal pero non-sexual o hindi malisyoso.  Mataas ang standard nila sa pagpili ng kasintahan o mapapangasawa.  Ayaw nilang karelasyon ang mga taong may maipipintas na masama ang ibang tao.

Trabaho: Sila ay mas nagiging angat o successful sa mga trabaho tulad public administration, marketing, culture and art, academic research, invention, creation, philosophy and religion, and non-profit business.   Kung ganito ang iyong kamay, ang kailangan mong hasain ng husto ang iyong communication and presentation skills, resourcefulness, creativity.   

3.    Kamay ng tubig

Ang Mga taong may kamay na tubig ay mga taong Sentimental, Talentado at Mapaparaang  mga tao

Mga Tampok:

Ang kanilang palad ay malapad, mabilog at makinis nay may matitigas na daliri, bilog ang mga dulo at mahahab ang mga kuko.

Anu-ano ang kanilang mga Personalidad: Ang mga taong may kamay na tubig ay  matalino at mabilis matututo,  may matalas na pagmamasid, gustong tuklasin ang katotohanan sa likod ng mga bagay, malinaw ang kanilang pag-iisip at  mayroon silang natatanging sense of judgment at analytical skills

·       Kahit meron silang mayamang imahinasyon, kulang sila sa pagpapatupad at pagkilos

·       Mahilig sila sa mga kwentuhang walang saysay na kadalasan ay para lamang magpalipas ng oras.

·       Mahusay silang makisama at makipagpalagayang loob sa mga tao kahit sa mga bagong kakikalal pa lamang

·       Madali silang nakakapag adjust sa paligid at sa mga pagbabago sa kapaligiran nila.  

Relasyon sa Pag-ibig:

Kaya nilang pumasok sa kahit na anong relasyon.  Kahit na iba ang background ng kanilang kapartner.  Upang magtagal sa isang relasyon ay kailangan nilang pag-aralan at mag-adapt sa kultura ng kanilang kapartner.  Madali sa kanila na baguhin ang kaniyang sariling kultura at makisama o umayon sa kultura ng iba.   

Trabaho: Ang mga taong may kamay na tubig ay mahuhusay na strategists.  Mahusay sila pagdating sa diskarte sa negosyo, magaling sila sa pagbebenta,  maganda silang gumawa ng mga marketing presentation, at angkop sila bilang creative manager at very resourceful sila pagdating sa pagre reasearch. Kung ikaw ay may ganitong uri ng kamay, ay dapat kang kumuha ng mga kursong Business management, Sales and Marketing, fine arts at mga kursong related sa mga ito.

4.    Kamay ng apoy

Ang mga taong may Kamay ng Apoy ay mga taong marubdob na damdamin, malakas ang karisma at mahuhusay sa kanilang mga profession o trabaho. 

Sila ay may mga mahahabang palad at daliri, hindi malinaw na mga buko at namumula na mga kuko.

Personalidad:

Ang mga taong may apoy na kamay ay mga quick-thinker o mabibilis na mag-isip

Sila ay may mataas na antas ng passion kaya lang hindi ito nagtatagal.  Ang tawag natin sa karamihan sa kanila ay mga Ningas kugon.  Madaling kasing mamatay ang mga pagnanasa nila sa tao, sa kanilang mga ginagawa o sa kanilang inaaral.

Sila ay sigurado sa kanilang mga gusto sa buhay at ganoon din sa mga ayaw nila.  Sinasabi nila ito ng deretsuhan.

Handa silang magsakripisyo para sa mahal nila

Kapag naiinis sila sa iyo, ayaw nilang makipag-ugnayan o makipag trabaho sa iyo. 

Sila ay kadalasang nakikitaan ng talino kaya lamang ay hindi natatapos ang pag-aaral o ang kanilang gingawa dahil kulang sila sa tiyaga. 

Relasyon sa Pag-ibig: Sila ay mahilig sa pagsasa ayos ng sarili,  kaya sila lumalabas na magaganda ang hitsura o presentation.  Madalas silang na-love at first sight at mabilis pumapasok sa relasyon. Kaya nga lamang ay madali din silang magsawa o hindi sila tumatagal sa mga relasyon at bihira sa kanila ang tumatanda na iisa lamang ang kapareha. 

Sa trabaho naman, sila ay maraming talento, matatalino, malalakas ang loob, masisiglang kumilos at kaya nilang magtrabaho ng nag-iisa dahil mas gusto nila ang walang kasama o mas gusto nila ng mas maluwag na lugar.   Minsan ay matatawag silang introvert o asocial na kung saan ay ayaw nila ng maraming tao. 

5.    Kamay na Lupa

Ang mga Kamay na Lupa ay kabilang sa matutuwid at Down-to-Earth na mga Tao at may taglay na kahusayan sa pagsasakatuparan ng mga proyekto o trabaho.

Sila ay mayroong makakapal at daliri, malalaking pulso, magaspang na balat at malalalim na guhit sa palad, makapal na kalamnan sa ibaba ng kanilang hinlalaki. 

Personalidad:

Ang mga tao na may kamay na lupa ay handang isakripisyo ang kanilang sarili para protektahan ang iba.  Iniiwasan nila na harapin ang pansariling mga problema pero handa namang dumamay sa problema ng iba.  Sila ay nabibilang sa mga taong mayroong katalinuhan subalit hindi mga ismarte.  Sila ay karaniwang madaling makisama pero hindi alam kung paano ilulugar ang pakikisama.  May mga saloobin sila at opinyon pero hindi nila ito kayang sabihin.  Marami silang nagagawa sa lihim at hindi nabibigyan ng credit or recognition at madalas na nababalewala ng mga tao ang kanilang kontribusyon.  Nalalaman na lamang ng mga tao ang kahalagahan at husay nila kung sila ay wala na or umalis na sa pinagtatrabahuhan.  Pwede silang mapagsabihan ng mga personal na bagay subalit sila ay hindi basta basta nag o open up ng kanilang mga personal na saloobin o personal na buhay sa ibang tao.  Hindi nila basta basta binibitawan ang mga prinsipiyo na kanilang pinapaniwalaan o pinanghahawakan na kadalasan ay nakikilala sila bilang matigas ang ulo.  

Relasyon sa Pag-ibig:

Sa pangkalahatan, madali silang magkaroon ng crush sa isang tao ngunit kadalasan ay nabibigo.  Makikilala lamang ang kanilang malinis at butihing kalooban sa matagal na pakikipag relasyon sa kanila. 

Trabaho: Ang mga kamay sa lupa ay kabilang sa mga taong nagtatrabaho nang tahimik at tinatapos ang bawat maibigay sa kanilang gawain.  Hindi sila nagpapasikat o kaya ay nagpapa impress subalit nagagawa o natatapos nila ang mga bagay na may kahusayan kahit na ito ay may kabagalan.   Sila ay masigasig at masumikap sa pagtatrabaho sa paraan na hindi kapansin pansin.  Madalas ay tumatanggap sila ng mga gawain ng iba at sariling gawain ay napapabayaan. Hindi sila lapitin ng promotion at kadalasan ay naagawan pa.  Sila ay nagtatagal sa mga trabaho at paglipas ng panahon ay nagiging valuable ang kanilang kontribusyon.


Truth or Fiction by Alvin Labios

Comments