The Seven (7) Mounts of our Palm | Know who you really are
Anu-ano nga ba ang kahulugan ng mga bundok sa ating palad at paano natin makikilala ang ating sarili ng husto dahil sa mga ito.
Welcome back to my channel.
Kumusta po kayong lahat?
Sa video natin ngayon ay mauunawaan niyo ang ibat ibang mga
mounts or zones ng ating palad.
Meron tayong pitong Mounts or Zones sa ating Palad.
Pero ano ba ang mga Mounts Of Palm or zones sa ating palad?
Ang mga mounts sa palm natin ay ang mga bumps ng laman sa
iyong palad o mga naka umbok sa ating palad at ang mga ito ay may
napakahalagang papel sa pagbabasa ng ating palad. Bakit? Dahil sila ay parang mga gumugulong na bundok
sa iyong mga kamay, sila ay tinatawag na mga bundok. Ayon sa Chinese palmistry,
mayroong pitong mount para sa isang tao.
Ang bawat mount na ito ay pinangalanan sa isang planeta at kumakatawan
sa iba't ibang mga character o pag-uugali.
Nakaugnay din ang mga mounts na ito sa mga planeta. At sa pamamagitan ng mga mounts ay maaari
mong malaman ang mga personalidad ng isang tao, pamumuhay, romantikong kakayahan,
kayamanan o tagumpay ng kapalaran, karera, kalusugan at higit pa.
Alamin natin ang ibat ibang lokasyon ng pitong mount:
● Ang Mount Jupiter ay matatagpuan ito sa ilalim ng
hintuturo at sa itaas ng Mount of Inner Mars
● Ang Mount Saturn naman ay matatagpuan sa ilalim ng gitnang
daliri
● Ang Bundok Apollo (o Araw) ay matatagpuan sa ilalim ng
singsing na daliri
● ang Mount Mercury ay matatagpuan sa ilalim ng maliit na
daliri sa itaas ng Mount of Outer Mars
● Ang Bundok Luna (o
Buwan) ay matatagpuan sa ibaba ng Mount of Outer Mars, mula sa gilid ng pulso
papuntang maliit na daliri.
● Ang Mount Venus ay matatagpuan sa ilalim ng hinlalaki, sa
ibaba ng Mount of Inner Mars at napapalibutan ng life line.
● Dalawa ang ating Mount Mars.
→ Mountains of Inner Mars: Ito ay makikita sa Gilid ng
palad, sa pagitan ng Mounts ng Jupiter at Venus
→ Mountains of Outer Mars: ito ay makikita mula sa giid ng
palad sa pagitan ng Mounts of Mercury at Luna
→ Ang Plain of Mars ay matatagpuan sa gitna ng palad sa
pagitan ng Mounts of Inner Mars at Outer Mars.
Natito ang ibat ibang kahulugan ng mga mounts na ito.
1.
Ang Bundok ng Jupiter
Ang Mount of Jupiter ay isang simbolo ng paghahangad,
awtoridad, ambisyon at paggalang sa sarili.
Kung ang bundok na ito ay kapansin-pansin sa palad mo ito ay
nagpapakita na ikaw ay ambisyoso, career-minded, responsable, tapat at
maaasahan. Mataas ang pagpapahalag mo sa reputasyon at ikaw ay napaka-possessive
hindi lamang sa pag-ibig kundi maging sa pera. Dahil mayroon kang taglay na kahusayan
sa pagnenegosyo, kadalasan ay magiging matagumpay sa iyong karera. Ang mga
angkop na trabaho para sa iyo ay kinabibilangan ng pagiging isang leader,
manager o kaya ay public servant.
Kung ang bundok ng Jupiter ay mababa ito ay nagpapahiwatig
na ikaw ay malamyang kumilos, taklesa, mahiyain, hindi deretso sa
pakikipag-usap, at walang pagpapahalaga sa moralidad. Hindi mo din hinahangad
na ikaw ay maging popular or tanyag.
Kung labis naman ang taas
ng bundok na ito, nagpapahiwatig lamang na
ikaw ay labis na ambisyoso, pero mapurol at magaling lamang magpanggap.
2.
Ang Bundok ng Saturn
Ang Mount of Saturn ay nauugnay sa integridad at pananaw sa
mga bagay.
Kung mataas at malinaw
ang bundok ng Saturn, ikaw ay karaniwang napakatalino, taos-puso, independyente
at matiyaga. Bukod dito, mahilig kang mag-aral, well-organized at magaling sa matematika.
Kung ang bundok na
ito ay mababa, ibig sabihin ay madali kang malungkot. Higit pa rito, ikaw ay mapamahiin at may malalim
na pananaw sa relihiyon. Ikaw ay pwedeng pagkatiwalaan ng mga sikreto ng iba.
Kung ito ay masyadong
mataas, ito ay nagpapahiwatig na ikaw ay committed sa trabaho o tutok sa bawat
project na tinatanggap at ginagawa ito ng may sobrang pag-iingat.
Kung ito ay masyadong
mababa, ikaw ay sentimental at malaki ang posibilidad na maging isang pesimista
o negative thinker.
3.
Ang Bundok ng Apollo
Ang Mount of Apollo ay pangunahing nauugnay sa passion,
interest, katanyagan, kayamanan at pananaw sa kagandahan.
Kung ito ay madaling
makita, ikaw ay karaniwang matalino, lapitin ng mga tao at may likas na hilig
sa sining at panitikan. Ikaw ay napaka-partikular sa mga damit na isusuot at
gusto mong ang bahay at opisina ay eleganteng napapalamutian. Ikaw ay mahabagin at handang tumulong sa iba
kahit na sa mga taong hindi mo kilala.
Hindi ka basta basta tumatanggap ng pabor o regalo maliban sa kung ito
ay kabayaran sa mga pabor o tulong na naipagkaloob mo. Ikaw ay perfectionist at katutubo sa iyo na
gawin ang lahat upang gawing pinakamahusay at magaling ang lahat ng mga bagay
na iyong ginagawa. Hindi mo tinatapos
ang isang bagay na merong maipipintas ang iba.
Sa negosyo ang lalaking merong malinaw na guhit sa mount of Apollo ay
kadalasang nagiging matagumpay sa negosyo samantalang ang babaeng merong
malinaw na guhit dito ay nakakapag-asaw ng mayamang lalake.
Kung ang bundok na ito ay patag o mababa, ito ay
nagpapahiwatig na hindi ka mahilig sa sining at mayroon kang mahinang panlasa sa
art.
Sa buhay, hilig mong ituloy ang marangyang materyal na buhay ngunit ang
iyong kapalaran sa kayamanan ay kadalasang hindi maganda.
4.
Ang Bundok ng Mercury
Ang Bundok ng Mercury ay kumakatawan sa karunungan at
kakayahang mag-isip.
Kung ang bundok ng
Mercury ay mataas at madaling makita, ikaw ay karaniwan mabilis mag-isip at resourceful. Ikaw din ay magaling
ka sa pag-aaral at mahusay sa pamamahala o management.
Kung ang bundok na
ito ay sobrang mataas, ikaw ay mahusay
sa pakikipag-usap subalit nagkukulang sa gawa. Ikaw ay kadalasang nauugnay sa
mga kontrobersiya dahil sa pagiging taklesa sa o walang ingat sa pag-sasalita.
Kung ang bundok na
ito ay masyadong mababa, ito ay nagpapahiwatig na ikaw ay isang negatibong tao at karaniwang hindi ginagawa ng mahusay ang
mga trabahong naka-atang sa iyo.
5.
Ang Bundok ng Luna (Bundok ng Buwan)
Ang Bundok ng Luna ay tinatawag din na Bundok ng Buwan. Ito ay may kaugnayan sa imahinasyon,
intuwisyon, misteryo, at ispiritwalidad.
Kung ang bundok na ito ay madaling makita, ito ay nagpapahiwatig na ikaw ay
napaka-intuitive na tao. Mataas ang
pagpapahalaga mo sa iyong kaba. Sa isang
banda naman ikaw ay nagpapamalas ng pagiging malikhain o creative. Sa pagkatao, ikaw ay banayad sa pagkilos at
mahilig sa day dreaming at imagination.
Kung mataas ang bundok na ito, ikaw ay emosyonal, sentimental, at madaling
madepress.
Kung mababa ang bundok, ito ay nagpapahiwatig na ikaw ay
konserbatibo at kulang sa mga sariwang ideya at pagbabago.
6.
Ang Bundok ng Venus
Ang Mount of Venus ay pangunahing nauugnay sa pag-ibig,
kalusugan at pagmamahal.
Ang isang mataas na bundok ng Venus ay nagpapakita ng
mayamang damdamin sa pakikiramay, at pagmamalasakit sa kapwa tao. Karaniwan din na ang merong mataas na bundok
ng venus ay madaling maakit sa opposite sex at maaaring magkaroon ng magandang
kapalaran sa relasyon sa pag-ibig.
Ang sobrang taas ng
bundok ng Venus ay nagpapahiwatig na ikaw ay masigla sa sex. Kung kaya naman hindi ka nagtatagal sa mga
relasyon.
Kung ang bundok na
ito ay patag o mababa, at kaya mong ilagay ang hinlalaki sa linya ng buhay o
lifeline, ito ay nagpapahiwatig lamang
na nagkukulang sa enerhiya. Karaniwan din
na malamig ang pakikipag relasyon mo at hindi nakikita ang pagiging romantiko.
7.
Ang Bundok ng Mars. Mayroon tatlong lugar o zone ang planetang
ito sa ating palad.
7.1 Mount of Inner
Mars (Mount of Lower Mars/Positive Mars)
Ang Mount of Inner Mars ang Positive Mars ay may kaugnayan
sa katapangan at pakikipagsapalaran.
Kung ang bundok na ito ay madaling makita, ito ay
nagpapahiwatig na ikaw ay matapang, malusog at malakas ang loob. Maraming mga
sikat na sundalo at heneral ang karaniwang may ganitong uri ng bundok.
Kung ang mount ay masyadong
malaki, ikaw ay isang agresibo tao.
Kung ito ay mababa, ito ay nagpapahiwatig na ikaw ay
mahiyain at laging hindi sigurado. Karaniwan
kang nag-aatubiling gumawa ng mga bagay at hindi naibibigay ang puso sa anumang
bagay na iyong ginagawa. Dahil dito ay
bihira lamang ang mga pagkakataon upang maging matagumpay ka sa lahat ng iyong
mga ginagawa.
7.2 Mount of Outer Mars (Mount of Upper Mars/Negative Mars)
Ang Mount of Outer Mars o ang Negative Mars ay pangunahing
kumakatawan sa pagpipigil sa sarili at pagtitiis.
Kung mayroon kang isang malakas na Outer Mars sa iyong
kamay, kung gayon ikaw ay matatag, matiyaga at walang takot sa panganib. May
kakayahan ka ding magtiis ng hirap sa buhay. Hindi ka mahilig sa pakikipagsapalaran
pagdating sa pera kung kaya hindi ka mawawalan ng pera at maingat mo itong
napapangalagaan.
Kung ang Outer Mars ay sobrang malaki, ikaw ay kulang sa
lakas ng loob. Karaniwan mong tinitiis ang mga bagay na hindi mo naman dapat
tiisin.
Kung ito ay patag o masyadong mababa, ito ay nagpapahiwatig
na ikaw ay mapusok at kulang sa pagtitiis. Hindi ka likas na mataktika o
maabilidad pagdating sa paglutas ng mga problema, kundi titiisin mo mo kahit na
ito ay magdulot sa iyo ng labis na paghihirap.
7.3 Kapatagan ng Mars
Karaniwang nakikita na mababa ang Plain of Mars. Ito ay
hindi masyadong mataas. Kung ito ay malawak at patag na walang mga krus sa loob
nito, ito ay itinuturing na isang magandang senyales para sa iyo. Sa kabilang
banda naman na ito ay masyadong mababa at ang iba pang mga mount ay mababa rin,
ito ay nagpapahiwatig na madali kang mapagod at karaniwang dumadanas ng hirap
ng buhay.
Hanggang sa muli mga kaibigan. Maraming salamat sa iyong panonood. Huwag kalimutang sundan at panoorin ang iba
pa nating mga video. Kung hindi ka pa nakapag
subscribe at interesado kas sa mga ganitong video ay magsubscribe na upang hindi ka mahuli sa mga
susunod kong bagong video.
Truth or Fiction by Alvin Labios
Comments
Post a Comment