Fish pointing towards the mount of Jupiter | Palmistry | Pasabog


Fish pointing towards the Mount of JUPITER

Welcome back to my channel.  Ang channel na gabay mo tungo sa tamang direksiyon ng paglalakbay mo sa iyong buhay.  Ang channel na kung saan matutunan mo ang lumakad ayon sa itinakdang kapalaran sa iyo ng Maykapal.

In our last video ay tinalakay natin ang Fish pointing towards the mount of Saturn na kung saan ay malalaman mo kung ano ang swerteng naghihintay sa iyo at kung paano mo maiiwasan ang mga posibleng problema na iyong kahaharapin dahil sa iyong sobrang pagmamahal. 


In this video, ay tatalakayin naman natin ang Fish pointing towards the mount of Jupiter.  Ito iyong isda na nakatutok sa hintuturo o pointing finger.

Muli ang ibig sabihin ng isda sa palad ay:

hindi inaasahang suwerte sa pera, o isang malaking tagumpay sa pananalapi, isang napakalaking pag-asa at kasaganaan sa buhay.  Ang isda na nasa Lifeline at nakaturo sa Mount of Jupiter ay nangangahulugan na ang ang magandang kapalaran na may kaugnayan sa mount of Jupiter ay magaganap mula sa edad na 50 pataas. 

Tingnan ang umbok ng iyong Mount of Jupiter.  Bahagya mong ikuyom ang iyong palad at tingnan kung ano ang hitsura ng pagkaka umbok ng mga laman na nasa ilalim ng inyong pointing finger.  May mga katangian ang bawat umbok na inyong makikita.  At iuugnay natin ang bawat katangian na ito sa isda na nakatutok dito.  

Ang mga bundok sa palad ay mayroong connection sa mga planeta sa ating universe.  At ang bawat planeta na ito ay may kaniya kaniyang katangian na nakikita din ng malinaw sa mga totoong paguugali ng mga tao.

So, ang Mount of Jupiter ay nasa ilalim ng pointing finger at ito ay tumutukoy sa ambisyon, kapangyarihan, karangalan, at estado. Ang hintuturo ay kilala bilang daliri ng Jupiter. 
 
Ang bundok na ito ay ipinangalan sa diyos ng Roma, si Zeus. At tulad ni Zeus ang katangian ng bundok na ito ay ang mga damdamin ng pagpapahalaga sa sarili, tikas ng kapangyarihan at pamamahala, idealismo, damdamin ng paggalang at katapangan. 
 
Kung ikaw ay may katamtaman o magandang umbok ng Mount Jupiter, ikaw taong may positibong pananaw, palakaibigan, dalubhasa sa paghawak ng mga tao at may mataas na adhikain na makatulong sa iba.
 
Ang mga taong may mga katangian ng Jupiter ay matikas at kahanga-hanga sa pakikipag-usap.  Mahilig sila sa pag-aaral at pagkolekta ng mga impormasyon.  Sila ay may puso at mahusay na mga benefactors.  Kadalasan ang mga taong ito ay mga philantropic o mga taong nagtataguyod ng kapakanan ng maraming tao.  Mayroon silang sense of responsibility at gusto nila ng may kalayaan sa pagkilos.  Sila ay mga likas na leader o pinuno na may natatanging katapangan sa kahit na anong larangang suungin nila.  Pinapahalagahan nila ang reputasyon nila sa komyunidad at ganoon din ang pakikisama nila sa maraming tao.  Matagumpay ang karaniwang tao na may magandang umbok sa Mount of Jupiter.  Ang isda na nakatutok sa Mount of Jupiter ay nagpapahiwatig na magiging matagumpay at mayaman na leader o pinuno ang taong meron nito.  Karaniwan sa kanila ay nasa pulitiko o kaya ay humahawak ng mga matataas na posisyon sa mga organization. 
 
Kung mababa o flat ang Mount of Jupiter, ang kaniyang kakayahang mamuno ay mahina at laging nalalagay sa pangunguwestiyon ng iba.  Mahina din ang kaniayng tiwala sa sarili at madali siyang magapi ng ibang mga agresibong tao.  Madali din siyang mapaikot at mapasunod ng mga tao.  Nagkukulang siya sa tapang at lakas ng loob na ipasakatuparan ang mga bagay na sa tingin niya ay tama.  Hindi niya mai implement ng tama ang mga polisiya at laging nakakumpromiso ang kaniyang pakikipag usap.  
Kahit na may isdang nakatutok sa Mount of Jupiter, sinasabi lamang na malaki ang kahadlangan na kaniya susuungin pero mayroon siyang pagkakataon upang makapit pa din ang katagumpayan.  Kailangan lamang niyang pagtibayin ang kaniyang leadership skills at ang kaniyang communication skills.  Maging maingat at maging firm sa kaniyang mga desisyon.  

Kung ang isda ay nasa bundok mismo ng Mount of Jupiter, tiyak at sigurado ang isang tagumpay sa pamumuno na kasama na ang kayamanan o kaginhawaan sa buhay.
 
Hanggang sa muli mga kaibigan at nawa ay maging inspirasyon niyo ang mga kahulugan ng mga guhit na ito sa inyong palad.  Gawing positibo lamang ang lahat ng mga ginagawa niyo at isipin na may sukli ang lahat ng kabutihan na ginagawa natin sa ating kapwa.  Mayroon ding ganti sa bawat masama na ating gagawin. 
(END)
Truth or Fiction by Alvin Labios

Comments

Popular Posts