Myths about the Psychic Cross | What are your psychic powers | Palmistry


Myths about the Psychic Cross



What are the myths about the Mystic Cross?

Welcome back to my blog.  Ang blog na gabay mo tungo sa tamang direksiyon ng iyong buhay.  Ang blog na kung saan matutunan mo ang lumakad ayon sa nakatakda sa iyo upang maiwasan mo ang mga maling desisyon at masagot ang marami mong mga katanungan tungkol sa buhay mo.

Sa blog na ito ay sasagutin natin ang katanungan na ano ang mga maling pagkakaunawa o maling pagpapaliwanag tungkol sa totoong Mystic Cross o ang psychic cross.

Saan matatagpuan ang tunay na Mystic Cross o iyong tinatawag nating Psychic Cross?

Ang cross na ito ay matatagpuan sa rectangular area na nakikita niyo sa screen.  Ang guhit na nasa itaas ay ang heartline at ang guhit na nasa ibaba ay ang Headline.  Ang Psyhic cross ay dapat na dependent

Ano ang mga hindi itinuturing na psychic cross?

Kapag ang guhit ay nakadikit sa headline, hindi ito psychic cross, x mark lamang ito ay nagbabadya ng balakid o hadlang sa tamang paggamit ng pag-iisip.

 Kapag ang guhit ay nakadikit sa heartline, hindi din ito psychic cross.  Ito ay isang pagsubok na may kinalaman sa puso o damdamin.

Ganito ang tunay na hitsura ng psychic cross.  Nakahiwalay ito sa lahat ng guhit na tila nakalutang lamang. Dapat ito ay nasa pagitan ng heartline at headline. 




Kung meron ka nito, ay hindi malayong ikaw ay masabihan ng ilang maling paniniwala ng iba.

1.      Una, kapag meron ka nito, ikaw daw ay isang Witch.  

Witch tama ka, mangkukulam sa tagalog.  Kaya iyong iba ay natatakot kaibiganin ang mga taong may psychic cross.  Pero, ito ay hindi totoo.  Hindi porket meron kang psychic cross ay automatic ka ng magiging withc.  Maraming mga mangkukulam na walang pschic cross.  Merong psychic powers ang mga merong psychic cross.

2.   Pangalawa.  Malas daw ang may psychic cross dahil tulad ng cross ni Jesucristo na kaniyang pinasan ay ganoon din daw ang gagawin ng taong may psychic cross.  Makakaroon sya ng pasanin sa buhay.  Mali itong paniniwala na ito.  Walang connection sa kamalasan sa buhay ang psychic cross. 

Ang mga katangian na meron ang mga taong may psychic power ay ang mga ito.


Clairvoyance:  

Manghuhula.  May kakayahang makita ang magaganap sa future.

Clairsentience: 

Ito naman ay ang mga kakayahang maramdaman  o mafeel kung ano ang damdamin ng tao, maaaring buhay o patay na.  Kaya nilang maramdaman kung ano ang damdamin ng mga tao.

Clairaudience:  


Ito naman ang kakayahang makarinig ng mga boses, tunog na hindi naririnig ng mga karaniwang tao.  Ito iyong may mga kumakausap sa kanila tulad ng mga patay o kaya ay mga entity na nasa kabilang dimension at tanging sila lang ang nakakarinig nito o may kakayahang makarinig.  Minsan mapagkakamalan natin silang mga baliw na.  Kasi minsan ay may kausap sila.

Telepathy: 


Ito naman iyong pakikipagusap sa mga taong nasa malayo at naipaparating ang message nila sa pamamagitan ng isip.  Daig pa nila ang may sariling wifi o may sariling network para makapag padala ng message at maka receive ng message mula sa ibang tao.  Talo pa nila ang mobile phone.  Pag walang battery ang phone mo, di mo na makakausap pa ang mga taong nasa ibang bansa pero pag may telepathy gift ka, kahit wala kang cellphone, makakausap mo sila.

Telekinesis:  


Ito iyong kapangyarihan na magpagalaw ng mga bagay sa paligid ng hindi hinahawakan.  Iyong tipong titingnan lang at mapapagalaw na niya ang isang bagay.  Medyo creepy ang mga taong may ganitong kakayahan.  Marami na din ang mga nag-aaral ng Telekinesis pero hindi pa din napapatunayan hanggang ngayon kung itong abilidad na ito ay kayang idevelop ng isang tao.

Third eye:  


Karaniwan ng nakaugnay ang third eye sa pagitan ng dalawang mata natin.  Ito din ay tinatawag na pang anim na chakra.  Sinasabi ng marami na lahat ng tao ay may third eye pero hindi lahat ay may kakayahang buksan ito.  Kapag nabuksan ang third eye ng isang tao, siya ay nakakakita ng mga ispiritu o ibang entity an hindi nakikita ng dalawang mata natin.  Sino ang hindi matatakot kung ikaw ay makakita ng multo, di ba?  Pero nakakasanayan naman daw iyan.  Minsan may makikita kang katabi mo na hindi naman nakikita ng iba.  Kung hindi ka mentally, emotionally at spiritually ready para ipabukas ang iyong third eye ay huwag ka ng mangahas pa na ipabuksan ito.  Baka kasi hindi mo kayanin ang mga magaganap sa iyo. 


Strong Intuition:  

Ito iyong napakalakas an damdamin na may nase sense kang mangyayari o nangyayari na.  Pero hindi mo naman kayang ipaliwanag.  Karaniwan itong naiuugnay sa kaba, hinala, suspetsa, duda pero mas higit pa sa mga ito sapagkat ito ay may halong napakalakas na damdamin na ang mga nakikita a totoong totoo.

Ang mga ito ang kadalasang meron sa mga taong may psychic cross.  Hindi lahat ay meron ka, pwedeng 2 hanggang 3 katangian ng mga ito ay matutunan mo.  Pero ang lahat ng mga merong psychic cross ay nagkakaroon ng sobrang interest sa occult science. 

Ikaw kaibigan, meron ka bang psychic cross?  Gusto mo bang malaman kung anong gift meron ka?  Icomment lang sa ibaba kung ano ang meron kang gift.  At kung ano pa ang gusto mong matutunan bilang isang tao na may psychic cross. 

Hanggang sa muli.

  

Comments