SECRET KNOWLEDGE |Secret Teachings of Christ Hidden from Christians | Pa...
NAWAWALANG MGA LIHIM NA TURO NI KRISTO SA MGA APOSTOL
LOST DOCTRINES OF CHRISTIANITY
May mga ibang mga katuruan si Hesus na isinulat ng
mga Apostol niya. Sa kasamaang palad ay hindi isinama ang mga ito sa
Bibliya? Ang tanong ay bakit hindi sila
isinama?
Itinuro ni Hesus ang kanilang mga isinulat, pwede ba
na hindi ito tanggapin? Pupuwede ba na piliin lamang ang mga isinulat nila at
itapon ang ibang sinulat nila dahil hindi pumasa sa CANONIZATION?
At hindi na nga tinanggap para mapasama sa bibliya
ang karamihan sa mga ito ay sinunog pa.
Kilalanin muna natin kung sinu-sino ang mga nagsunog
at naninira ng mga kasulatan ng mga Apostol?
Sinu-sino sila at bakit?
Sino ang sumunog ng mga aklat na ito?
Ang sagot:
Ang mga Romano. Pero mas tamang
sabihin na ang Roman Orthodox Church.
Ang mga Romano noong unang Siglo ay mga Pagano at
ang kanilang relihiyon ay Helenistic.
Sila ay sumasamba sa mga Greek gods tulad ni
POSEIDON Olympian
Greek god of the sea, earthquakes, storms, and horses.
APOLLO Olympian god
of music, poetry, art, oracles, archery, plague, medicine, sun, light and
knowledge.
ATLAS The Primordial
Titan of Astronomy. Condemned by Zeus to carry the world on his back after the
Titans lost the war.
ZEUS God of the sky, lightning, thunder, law,
order, justice, King of the Gods and the “Father of Gods and men”.
Nadagdagan pa ang kanilang mga sinasamba tulad ng
mga Syrian gods na sina Atargatis at Hadad.
at Egyptian gods na sina Isis at Serapis
Dahil ang mga Kristiyano ay sumusunod kay Kristo at
hindi sumasamba sa mga diyos ng mga Romano, sila ay sinunog at pinagpapatay sa
mga liwasang bayan. Ganoon din ang mga
aklat nila.
PAGUUSIG SA MGA KRISTIYANO
Ang pag-uusig sa mga Kristiyano ay naganap,
paminsan-minsan at karaniwan nang lokal, sa buong Imperyo ng Roma, simula noong
ika-1 siglo AD at nagtatapos noong ika-4 na siglo AD.
Pagano ang mga Romano noon at naniniwala sa
relihiyong Helenistiko.
Pag sinabi Helenistiko, ang mga tao ay sumasamba sa
mga Greek gods tulad ni Isis, Serapis
Orihinal na isang polytheistic na imperyo sa mga
tradisyon ng paganismong Romano at ng relihiyong Helenistiko, habang
lumalaganap ang Kristiyanismo sa imperyo, napunta ito sa salungatan sa
ideolohikal sa kultong imperyal ng sinaunang Roma. Ang mga gawaing pagano tulad
ng paggawa ng mga sakripisyo sa mga deified emperors o iba pang mga diyos ay
kasuklam-suklam sa mga Kristiyano dahil ang kanilang mga paniniwala ay
nagbabawal sa idolatriya. Pinarusahan ng estado at ng iba pang miyembro ng
civic society ang mga Kristiyano dahil sa pagtataksil, iba't ibang balitang
krimen, ilegal na pagpupulong, at dahil sa pagpapakilala ng alien kulto na
humantong sa pagtalikod sa Roma.
Sa panahon ng emperador na si Nero (r. 54-68) sa
Roma
Marcus Aurelius (r.161-180)
Decius (r.249-251)
Trebonianus Gallus (r. 251-253)
Natigil ang paguusig sa mga Kristiyano noong madakip
si Emperador Valerian (253-260) ng mga Sasanian sa labanan sa Edessa. At itinigil ang pag-uusig na ito noong humalili
bilang emperor si Gallienus (r. 253-268).
Muling dumanas sa isang pangkalahatang pag-uusig sa
mga Kristiyano noong panahon ni Augustus Diocletian (r. 283-305). Noong magwagi si Constantine the Great
(r.306-337) laban kay Maxentius sa isang labanan, naglabas si Constantine at
ang kaniyang kasamang emperador na si Licinius ng Edict of Milan (313) na
pinapahintulutan ang lahat ng relihiyon kabilang na ang Kristiyanismo.
Hanggang sa naging Kristiyano na din si
Constantine. Siya ang kauna-unahang
emperor na naging Kristiyano.
Napakatagal na panahon na pinag-uusig ang mga
Kristiyano ng mga Romano at napakaraming mga emperor ang namuno upang patayin
ang napakaraming Kristiyano.
Pero hindi sila nagtagumpay na lubusang na ubusin
ang mga Kristiyano sapagkat lalo silang dumami.
Kahit pinagsusunog nila ang mga aklat na sinulat ng
mga Apostol, subalit may mga nanatiling ligtas naman.
Kaya lamang, ang ilan sa mga nakaligtas sa sunog ay
hindi naman tinanggap ng mga scholar na gumawa ng bibliya.
Hindi pumasa sa canonization ang mga aklat na
ito. Abangan ang video natin tungkol sa
proseso ng canonization.
Kung ito ay sulat ng mga apostol dahil ito ay
itinuro ni Hesus at ang mga ito ay pinaniniwalaan ng mga unang Kristiyano,
mayroon bang standards ang mga tao para hindi ito tanggapin bilang bahagi ng
Bibliya?
Sino ba ang dapat magdesisyon dito? Sila o ang mga magbabasa ng mga aklat?
Dahil sa hindi sapat ang kanilang dahilan upang
isama sa Bibliya, naging dahilan ito upang pagdudahan kung ano ang nilalaman ng
mga kasulatan na iyon.
Bakit ipinagbabawal nila na matuklasan o mabasa ng
tao ang laman ng mga kasulatan na iyon.
Ano ang mga lihim na katuruan ni Hesus ayon sa mga
itinagong aklat ng mga Apostol?
Ang mga lumang kasulatan
na sinulat ng mga Apostol ay nadiskubre noong 1945. Ang mga texto na ito ay mas matanda pa kaysa
sa mga texto na naisama sa Bibliya. Ibig
sabihin, una itong naisulat ng mga Apostol kaysa sa mga tinanggap na mga
kasulatan nila. Nireject ng mga bible scholars ang mga texto na hindi pumasa sa
CANONIZATION process nila. Ang Canon ay
ang pag-alam kung ano ang divinely written at kung ano ang hindi. May itinuro ba ang Diyos na ganitong proseso
o ito ay ginawa na lamang na standards ng tao upang matapos na ang compilation
ng bibliya. Sila ang nasa owtoridad at
kapangyarihan at naganap ang sa paniniwala nila ay tama. At nireject nila ang ibang mga sinulat ni na
nagpapahayag ng mga dagdag kaalaman tungkol sa konsepto ng REINCARNATION mula
sa Sekta ng mga Kristiyano na tinatawag na “Gnostics”.
By the way, ang
REINCARNATION ay hindi pinapaniwalaan ng mga Modern Christian. Ang itinuturo ayon sa Bibliya ay ang
RESURRECTION.
ANO ANG KAIBAHAN NG
REINCARNATION SA RESURRECTION?
Alamin kung paano bibigyan
ng tamang kahulugan ng mga Gnostic Christian ang dalawang salita na ito? Sila nga ba ay magkaiba o pinag-iba lamang
dahil na din sa kakulangan ng mga supporting documents.
Kasama sa mga isinulat ang
ilang matagal nang nawala na ebanghelyo, ang ilan ay isinulat nang mas maaga
kaysa sa kilalang mga ebanghelyo nina Mateo, Marcos, Lucas at Juan.
Inaangkin ng mga
Kristiyanong Gnostic na nagtataglay ng tamang kahulugan ng "muling
pagkabuhay" - batay sa mga lihim na turo ni Jesus, na ipinasa sa kanila ng
mga apostol.
Ang pagkakaroon ng isang
lihim na tradisyon ay matatagpuan sa Bagong Tipan:
Marcos 4:11
11 At
sinabi niya sa kanila, Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng
kaharian ng Dios: datapuwa't sa kanilang nangasa labas, ang lahat ng mga bagay
ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga:
1 Mga Taga-Corinto 2:7
7 Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa
hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga
sanglibutan sa ikaluluwalhati natin:
1 Mga Taga-Corinto 4:1
1 Ipalagay nga kami ng sinoman na mga ministro ni
Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Dios.
Ang isang pirasong
kasulatang ng Secret Gospel of Mark, isa sa mga Gnostic text na
natuklasan, ay naglalarawan kay Jesus na nagsasagawa ng mga lihim na initiation
rites.
Bago ang pagtuklas ng mga
kasulatang Gnostic, ang tanging kaalaman natin tungkol dito ay nagmula sa isang
liham na isinulat ni Church Father Clement of Alexandria (150 AD - 211 AD), na
sinipi ang lihim na ebanghelyong ito at tinutukoy ito bilang "isang mas espirituwal
na ebanghelyo para sa paggamit ng yaong mga ginagawang sakdal."
Sinabi niya, "Kahit
na ito ay pinaka-maingat na binabantayan [ng simbahan sa Alexandria], na
binabasa lamang sa mga taong pinasimulan sa mga dakilang misteryo."
Iginiit ni Clement sa
ibang lugar na si Jesus ay nagsiwalat ng isang lihim na pagtuturo sa mga taong
"may kakayahang tumanggap nito at mahubog nito."
Ipinahiwatig ni Clemente
na taglay niya ang lihim na tradisyon, na ipinasa sa pamamagitan ng mga
apostol. Ang ganitong mga Gnostic ay mga espirituwal na kritiko ng orthodox na
Simbahan sa kanilang nakita na hindi isang pagpapasikat kundi isang
bulgarisasyon ng Kristiyanismo.
Ang orthodox na simbahan ay nagbigay-diin sa
pananampalataya, habang ang Gnostic na simbahan ay nagbigay-diin sa kaalaman
(gnosis).
Ang lihim na kaalamang ito ay nagbigay-diin sa
espirituwal na muling pagkabuhay sa halip na pisikal na pagkabuhay na mag-uli.
Sa katunayan, ang mga Kristiyanong Gnostic ay
naniniwala na ang reinkarnasyon ay ang tunay na interpretasyon ng "muling
pagkabuhay" para sa mga hindi nakamit ang isang espirituwal na muling
pagkabuhay sa pamamagitan ng lihim na kaalamang ito.
Ang Bagong Tipan ay
nagsasalita tungkol sa gnosis na ito (kaalaman):
"Now to each one the manifestation of the
Spirit is given for the common good. To one there is given through the Spirit
the message of wisdom, to another
the message of knowledge by
means of the same Spirit, to another faith by the same Spirit, to another gifts
of healing by that one Spirit, to another miraculous powers, to another
prophecy, to another distinguishing between spirits, to another speaking in
different kinds of tongues, and to still another the interpretation of
tongues." (1 Corinthians
12:7-10)
4 Ngayo'y
may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't iisang Espiritu. 5 At
may iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon. 6 At
may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga
bagay sa lahat. 7 Datapuwa't sa bawa't isa ay ibinibigay
ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman. 8 Sapagka't
sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng karunungan; at
sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu: 9 Sa
iba'y ang pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang mga kaloob
na pagpapagaling, sa iisang Espiritu. 10 At sa iba'y ang
mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang pagkilala sa mga
espiritu; at sa iba'y ang iba't ibang wika; at sa iba'y ang pagpapaliwanag ng
mga wika. 11 Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng
isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang
ibig.
"For this reason, since the day we heard about
you, we have not stopped praying for you and asking God to fill you with
the knowledge of his will through all spiritual wisdom
and understanding." (Colossians
1:9)
Colosas 1:9
9 Dahil
dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami
nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y
puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa
ayon sa espiritu,
Ang historian noong unang siglo na si Falvius
Josephus ay nagsabi na ang mga Pariseo, ang mga tagapagtatag ng rabinikong
Judaismo na dating kinabibilangan ni Pablo, ay naniniwala sa reinkarnasyon.
Isinulat niya na ang mga Pariseo ay naniniwala na
ang mga kaluluwa ng masasamang tao ay pinarurusahan pagkatapos ng kamatayan
ngunit ang mga kaluluwa ng mabubuting tao ay "naalis sa ibang mga
katawan" at sila ay "may kapangyarihang bumuhay at mabuhay
muli."
The Sadducees, the other prominent Jewish sect in
Palestine, did not emphasize life after death and according to the
Bible "say there is no resurrection" (Matthew 22:23).
Ang mga Saduceo, isang kilalang sekta ng mga mga
Hudyo sa Palestine ay hindi naniniwala sa Life After Death
Mateo 22:23
23 Nang
araw na yaon ay nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo, na nangagsasabing walang
pagkabuhay na maguli: at siya'y kanilang tinanong,
Sa ating napag-usapan, malinaw na ang talagang
tinutukoy ni Mateo ay ito: Sinasabi ng mga Saduceo na walang reincarnation.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga lihim na turo ni
Jesus mula sa mga Gnostic na ebanghelyo na nagpapatunay ng reinkarnasyon, na
naghahayag ng lihim na kaalaman:
"Magbantay kayo at manalangin na hindi kayo
ipanganak sa laman, kundi iwanan ninyo ang mapait na pagkaalipin sa buhay na
ito." (Aklat ni Thomas the Contender)
"Kapag nakita mo ang iyong kahawig ng iyong
sarili, ikaw ay masaya. Ngunit kapag nakita mo ang iyong mga larawan ng
iyong nakaraang hindi namamatay o nakikita, gaano kaya kalaki ang iyong
magiging pagtitiis!" (Ebanghelyo ni Tomas)
Ayon sa Aklat ni Thomas the Contender, Sinabi ni
Jesus kay Apostol Thomas na pagkatapos ng kamatayan, ang mga dating
mananampalataya subalit nanatiling nakatali sa mga bagay ng “Pansamantalang
kagandahan” ay matutupok sa kanilang mga alalahanin sa buhay at muling ibabalik
sa nakikitang kaharian.
Sa lihim na kasulatan ni Juan, ang reincarnation ay
naka focus sa mga usapin tungkol sa kaligtasan ng mga kaluluwa. Ang kasulatan na ito ay isinulat noong 185 AD
at ito ang pinakahuling kasulatan na nadiskubre. Narito ang mga kaalaman tungkol sa
reincarnation ayon sa lihim na aklat ni Juan:
Ang lahat ng tao ay pinainom ng tubig na pampalimot
hanggang sa wala ng malaman pa sa kanilang nakaraan. Ang ilan naman ay napapagtagumpayan ang
estado ng pagkalimot sa pamamagitan ng isang Buhay na Ispiritu na bumababa patungo
sa kanila. Ang mga kaluluwang ito ay
makakaligtas at magiging perpekto na ibig sabihin ay hindi na sila dadaan sa
muling pagkasilang. Tinanong ni Juan si
Jesus, ano ang magaganap sa mga taong hindi nakatanggap ng pagkaligtas. Inaalis sa kanila ang kanilang kaalaman at
natutunan upang itapon pababa sa isang bilangguan. Ang bilangguan na ito ay tumukoy sa Gnostic
code na salita: Bagong Katawan.
Ang tanging paraan para makatakas ang mga kaluluwang
ito ay ilubog sila sa pagkalimot, sabi ni Jesus at magkaroon sila ng tamang
karunungan. At magagawa ng kaluluwang ito sa pamamagitan ng paghahanap ng guro
o tagapag ligtas na siyang may kakayahang magdala sa kaniya pauwi sa tahanan ng
Diyos. “Kailangan ng kaluluwang ito na
sumunod sa isa pang kaluluwa na kung saan ang Buhay na Ispiritu ay nananahan
dahil ang kaluluwang ito ay ligtas dahil sa Buhay na Ispiritu. At ang kaluluwang hindi dating ligtas ay
magliligtas at hindi na siya muli pang itatapon muli sa bagong katawan.” (Secret Book of John)
Sa isa pang Gnostic na kasulatan, idinetalye ni
Pistis Sophia ang reward system at punishment kasama dito ang reincarnation.
Ang kasulatan ay nagpapaliwanag ng pagkakaiba ng kapalaran ng tao bilang epekto
ng kaniyang past-life actions.
Ang isang taong nanunumpa ng masama sa kapwa ay
mabibigyan ng katawan na laging naguguluhan ang puso.
Ang isang taong mapanira ng kapwa ay tatanggap ng
katawan na inaapi. Ito ay upang maranasan niya ang mga bagay na ginawa niya sa
kaniyang past life.
Ang isang magnanakaw naman ay babalik sa lupa at
tatanggap ng katawang may kapansanan sa paglalakad, baluktot o may deperensiya
at isang bulag.
Ang isang mayabang, mapagmataas, mapanghamak,
mapanglibak, mapanuya na tao ay tatanggap ng isang katawang pangit na lilibakin
ng maraming tao. Dadanasin din niya ang
mga ginawa niya pag siya ay nagreincarnate.
Dito ay mararanasan niyang maging api upang matutunan ang mga mabubuting
ugali na hindi niya ginawa sa past life niya.
At naging lugar ng kaparusahan ang Mundo at ang
impiyerno.
Ayon kay Pistis Sophia, ang ibang kaluluwa ay
nakakaranas ng impiyerno sa isang lugar ng pagpapahirap pagkatapos na sila ay
mamatay. Pero kapag nalampasan nila ang
impiyernong ito, ang mga kaluluwa ay bumabalik sa mundo upang madagdagan ang
mga karanasan nito sa mundo. Merong
iilang mga kaluluwa lamang ang hindi pinapayagan na mai-reincarnate. Ang mga kaluluwang ito ay itinatapon agad sa
isang malawak na kadiliman hanggang dumating ang oras na sila ay itinakda upang
lubusang sirain at tunawin.
Marami sa mga Gnostic na kasulatan ay pinagsasama
ang mga idea ng reincarnation at pakikipagkaisa sa Diyos. Katulad na lamang sa Apocalypse Apostol
Pablo, na sinulat noong ika 2 century na inilalarawan nito ang isang
Merkabah-style na pag-akyat ni Pablo at ganoon din ang reincarnation ng
kaluluwa na hindi pa handa para umakyat. Sinasabi ng mga kasulatan na ito kung
paano ang pag-akyat sa langit at pagbabalik lupa ng kaluluwa na siya namang
sinasang-ayunan ng Gnostic theology.
Comments
Post a Comment