Fengshui: Mga Bagay na Malas sa Bahay | Patnubay TV
Welcome back to my channel at sa mga bago pa lang sa channel
ko ay baka gusto niyong magsubscribe at pindutin ang BELL ALL upang manotify
kayo ni Youtube sa tuwing meron akong bagong video na inapload.
Sa video natin ay ishe share ko sa inyo ang mga bagay na
nagbibigay ng kamalasan sa bahay. Ito ay
ayon sa Feng shui. Pero bago tayo
magpatuloy ay alamin muna natin, ano ba
ang Feng Shui at saan ito galing? By the
way ay maraming mga paraan ng pagbigkas ang salitang ito. Pakinggan natin kung paano ito binibigkas ng
ibang bansa.
Filipino: Pongsoy
Paala-ala:
Ang ating video ay maaaring hindi angkop sa inyong paniniwala
at ito ay makapagdulot sa inyo ng galit o inis o pagkamuhi. Iminumungkahi ko na kung kayo ay hindi
open-minded na tao ay mangyari na skip na lamang ang ating video. Sa mga gustong panoorin ang video na ito ay
panoorin ng merong panunuri at pag-iingat.
Ang Feng shui (/ˈfʌŋˌʃuːi/ [2]), ay tinatawag ding Chinese
geomancy. Ito ay isang sinaunang traditional
Chinese practice o isang tradisyon na nakasanayan na ng mga Tsino. Gumagamit ang mga Chinese ng mga puwersa ng
enerhiya upang i-harmonize ang bawat tao sa kanilang kapaligiran. Ang terminong
feng shui ay nangangahulugang, literal, "hangin-tubig" (i.e.,
likido). Ayon sa mga paniniwala nila mula
noong sinaunang panahon, ang mga landscapes at ang mga bodies of water ay nakakapagpadaloy
ng Qi. Ang Qi ay ang cosmic current o
energy mula sa Cosmos o universe na maaaring makadaloy sa pamamagitan ng lugar
at istruktura. O maging hadlang dahil sa
maling mga position nito. Ayon pa sa paniniwalang ito na upang
mapanatili o mapabuti ang kayamanan, kaligayahan, mahabang buhay at ang pamilya
ay dapat in harmony ang mga bagay bagay at structure sa paligid ng tao. Dahil kung hindi, ang tao ay magkakaroon ng
napakaraming problema at kadalasan ay masasabi nating, malas ang pamumuhay.
At sa video natin ay ibibigay ko ang mga bagay na dapat ay
wala sa bahay natin upang tayo ay hindi malasin sa buhay.
Handa na ba kayong malaman ang mga bagay na ito?
1. Basag na salamin o tiles. Alam niyo ba na ito ay isa ding pamahiin ng
ating mga ninuno. Hindi nga lamang
malinaw kung ang kanilang pamahiin na ito ay galing sa mga Tsino. Sinakop tayo ng China noong 1574 sa
pangunguna na isang warlord na si Limahong.
Nagkaroon sila ng mga anak sa ating mga ninuno at hanggang ngayon ay maraming
Filipino-Chinese sa ating bansa lalo na sa Binondo na isang distrito sa Manila
City. Alam niyo ba na ang Binondo ang
pinakamatandang Chinatown sa buong mundo?
Bakit malas ang basag na salamin?
Ayon sa Feng Shui, ang mga basag na salamin ay nag-aattract ng mga
negative energy o forces. Kung kaya ang
mga taong nakatira sa bahay ay lalayuan ng mga suwerte sa pera, trabaho at
maging sa relationship. Kung ikaw naman
ay makabasag ng salamin, dapat itong itapon agad dahil kung hindi, ikaw ay
mamalasin ng 7 taon. Kung kusang nabasag
ang salamin kahit na wala namang gumagalaw dito ay nagbabadya ng isang
trahedyang na darating na kadalasan ay aksidente o kamatayan sa isang masakit
na paraan ng isang mahal sa buhay. Ang
dapat na gawin ay agad itong ilabas ng bahay at ibaon sa lupa o itapon sa
basurahan. Ang mga basag na salamin ay
maaaring makasugat sa atin o makapagdulot ng sakit sa atin.
2. Madumi,
makalat na Terrace. Ang terrace ay
isang lugar sa ating tahanan na kung saan ay pwedeng daluyan ng swerte papasok
sa bahay kung ito ay maayos, malinis at walang mga nakatambak na sirang
gamit. Nilalayuan ng swerte ang bahay na
ang terrace ay makalat, madumi at may mga tambak na sirang gamit o basura. Kadalasan sa ating mga Filipino ay ginagawa
nating tambakan ang terrace dahil na rin siguro sa kulang tayo sa lugar na
pwedeng paglagyan nito. Hindi lamang sa
masakit tingnan o nakakasakit ng ulo ang makalat, madumi at hindi maayos na
terrace kundi ito ay pwedeng maging sanhi ng masamang amoy at mga alikabok na
makakapagsanhi ng sakit tulad ng allergy sa mga nakatira dito. Ang Qi o ang cosmic energy ay hindi din makadadaloy
sa lugar na magulo at madumi. Ang dapat
na gawin ay linisin ang terrace, alisin ang mga nakatambak na sirang gamit at
basura upang maging maayos ang daloy ng Qi sa loob ng bahay. Makakatulong din sa pagdaloy ng swerte kung
lalagyan ng mga halamang pamapasuwerte ang terrace tulad ng Chinese Bamboo o
kaya ay fern. Marami pang mga halaman na
ayon sa Feng Shui ay nagbibigay ng swerte.
3. Broken
Faucet o sirang Gripo. Ang Gripo ay
dinadaluyan ng tubig na kung saan ang tubig ay isang pangunahing elemento sa
Feng shui. Tandaan na ang ibig sabhin
shui sa Feng shui ay water o tubig.
Dapat na ang daluyan ng tubig ay maayos.
Hindi lamang upang magkaroon o makakuha tayo ng tubig ng mas maayos kundi hindi dapat na mapigilan
ang pagdaloy ng tubig sa gripo dahil sumisimbolo ito na ang swerte ay
napipigilan din. Kung ikaw ay may
gripong sira ay makabubuting ipaayos mo ito agad. Nakakapag bigay din ng negative energy sa mga
gumagamit ng gripo lalo na kung ito ay sira.
Nakakagalit din naman kasi na hindi mapakinabangan ang gripo ng tubig.
4. Loose
wiring. Ang mga loose wiring sa bahay o
salasalabat na mga wiring ay hindi magandang tingnan. Bukod sa masakit tingnan sa mata, nakakasakit
din talaga ng ulo ito lalo na kung nagiging sagabal sa pagkilos. Maaari ding maging dahilan ng pagkasunog ang
makalat o hindi maayos na wiring sa bahay.
Ang electric current ay dumadaan dito at nagtataglay din ito ng heat
energy. Kung ang init ay hindi kayanin
ng ibang wires ay maaaring matunaw, mabalatan at magkaroon ng spark at pagmulan
ito ng sunod. Ang mga loose wiring ay
sumasagabal sa pagdaloy ng hangin. Ang
ibig sabihin ng Feng sa Feng shui ay wind o hangin. Hindi dapat mabarahan ang pagdaloy ng hangin
ng mga loose wiring o makalat na wiring sa bahay. Tulad din ng mga kalat, dumi at mga
nakatambak na gamit sa Terrace, hinahadalangan nito ang magandang daloy ng
swuerte sa loob ng bahay. Ayusin agad
ang mga wiring. Pwedeng gumamit ng mga
insulator o ayusin at itago ang mga wiring sa likod o ilalim ng mga gamit.
5. Wall cracks
o mga crack sa pader. Well, bukod sa
nakakatakot na baka magiba ang pader mo at mabagsakan ka ay nakakapagdulot ito
ng kamalasan sa bahay. Tulad ng salamin
na basag na kung saan ay nakakapag attract ito ng negative energy ay ganoon din
ang mga wall cracks. Maaaring tirhan ng
mga kulisap at daanan ng anay ang mga cracks na ito na siyang lalong
magpapahina sa pader at bigla na lamang itong mabuwal. Ang mga cracks sa pader ayon sa Feng shui ay
balakid sa pagdaloy ng magandang kapalaran sa buhay. Ang mga cracks ay simbolo ng pagkasira at ito
ay nakakapekto din sa pagkasira ng magandang relationship, magandang kapalaran
at masiglang pangangatawan. Gumamit ng
mga fillers upang matakpan ang mga cracks, pinturahan na lamang itong muli
upang hindi na Makita ang mga cracks na ito.
6. Birds nest
at spider web. Ang birds nest ay pwedeng
makapagbigay ng masamang amoy. Ang mga
ibon ay pwede ding maging carrier ng sakit.
Ang mga pugad nito ay pwedeng makapag imbak ng dumi, alikabok na
makakasama sa kalusugan o pagmulang ng sakit ng mga nakatira sa bahay. Ganoon din ang mga spider web na sumasagabal
sa magandang daloy ng hangin sa loob ng bahay.
Bagamat nakakatulong ang spider web upang mabawasan ang mga kulisap
tulad ng lamok at langaw ay hindi naman ito maganda para sa pagdaloy ng
Chi. Nakakasaya ng damdamin na tumira sa bahay na
malinis at maayos. Ang damdaming ito ay
nakatutulong sa mga nakatira upang maging positibo sa kaniyang pakiramdam at
pamumuhay.
7. Lantang
bulaklak o halaman. Kung ang mga bulaklak sa flower vase ay lanta na,
makabubuting ito ay itapon na. Ganoon
din ang mga lantang dahon sa halaman o ang halaman mismo. Hindi masiglang tingnan ang mga lantang
bulaklak at lantang halaman dahil ito ay simisimbolo sa kamatayan.
Nakakapanghina sa pakiramdam ang makakita ng mga lantang halaman at bulaklak na
kung saan ang negative energy ay nangingibabaw sa mga nakatira sa bahay. Mag-alaga ng mga halamang pampasuwerte at mga
halamang nakakapag filter ng hangin dahil ito ay makakatulong sa kalusugan ng
mga taong nakatira.
Ang magandang pag-uugali ay nakakapagbigay ng positive energy
sa lahat. Nababawasan ang away o hindi
pagkakaunawaan o pagkakasunduan at nagiging magaan ang pamumuhay. Kadalasan ng kamalasan sa buhay ay bunga ng
masamang bibig, maling pananalita, masamang pag-uugali at hindi maka-Diyos na
pamumuhay. Ang pagiging malapit sa Diyos
ay nagtataboy ng kamalasan sa buhay. Tandaan na ang maayos at malinis na bahay ay
nakakapagbigay din ng positive energy dahil nababawasan nito ang sakit ng ulo bigat
ng kalooban at napapahintulutan nito na dumaloy ng maayos ang Chi sa loob ng
bahay. Tandaan natin na ang mga bagay na
ating pinaniniwalaan ay malaki ang impact sa ating pamumuhay. Maniwala man tayo o hindi sa Feng Shui ay
meron namang talagang magandang dahilan kung bakit dapat na walang basag na
salamin sa bahay, malinis at maayos ang terrace, hindi sira ang mga gripo ng
tubig, maayos ang mga wiring ng mga kasangkapan o kuryente, walang cracks ang
mga dingding, walang spider web o bird’s nest, at wala ding mga lantang
bulaklak o halaman.
Babala:
Kung may mga Feng Shui consultants na magbibigay sa inyo ng
advice at gagamitin nila ang front door bilang reference para sa paggamit ng
Bagua, wag na ninyong ituloy ang pagkonsulta dahil mas lalong magiging masama
ang resulta. Marami ang mga nagkalat na
mga Feng Shui consultant na hindi gumagamit ng compass at hindi gumagamit ng
mga tamang calculations upang ma-activate ang positive energy. Sumangguni lamang sa mga Feng Shui
consultants na gumagamit ng compass at gumagamit ng calculations upang matukoy
ang mga tamang pag po position ng Bagua layout sa bahay.
Maraming salamat sa panood mga kaibigan, alin sa mga ito ang
meron ka sa bahay mo. Magcomment lamang
sa ibaba at sabihin mo ang experience mo sa pagkakaroon nito. Hanggang sa muli mga kaibigan.
Comments
Post a Comment