Paano sumagot sa mga insulto sa iyo?
https://youtu.be/uzO0KTPwm30
Chosen One, ikaw ay nakatakdang dumaan sa maraming insulto
at alam mo bang ito ang isa sa maraming pagsubok na napakahirap lampasan dahil
halos araw-araw ay dinadanas mo ito. Ang
ilang tao sa paligid mo ay gusto kang kontrolin.
Chosen One, Kapag sa isang insulto lang at nasira na agad ang
buong araw mo, ibinigay mo sa taong iyon ang remote control ng iyong emosyon.
Kapag may isang tao na hindi ka pinansin at buong araw mo itong
iniisip kung bakit, hawak niya ang isip mo kahit wala siya sa tabi mo. Ibig sabihin, kontrolado ka na niya at parang
napakahalaga na niya sa buhay mo at binibigyan mo siya ng maraming oras para
isipin siya.
Ito ang isang mahalagang prinsipyo na dapat mong matutunan
bilang isang Chosen One.
Hindi mo kontrolado ang ginagawa ng ibang tao, hind imo kontrolado
ang sinasabi ng ibang tao, o iniisip ng ibang tao. Pero, may kapangyarihan kang
kontrolin kung paano ka tutugon, at kung paano ka mag re react.
Kahit Chosen one, Tao ka pa rin. Normal ang masaktan,
malungkot, o magalit bilang reaction
Pero may malaking pagkakaiba ang makaramdam ng galit
at kontrolin ka ng galit. Alam mo ba na Karamihan sa mga Chosen Ones ay
hindi agad nawawala ang galit o inis sa isang tao. Naglalaro ito sa iyong isip kahit na isang lingo
na ang dumaan.
Bilang isang chosen one, ganito ang dapat mong ugaliin at
praktisin araw-araw.
Kapag may nang-insulto sa iyo, nagsalita ng masakit sa iyo, huwag
agad sumagot.
Ang pinakamatalinong response o sagot sa lahat ng uri ng insulto
ay ang PANANAHIMIK. Iyong wala kang
sasabihin, wala kang gagawin. Aalis ka
na parang wala kang narinig. Walang
reaction ang mukha, hindi nalungkot, hindi namula, hindi umiyak.
Kapag naperfect mo ang pagkontrol sa iyong emotion,
walang tao ang kayang kang kontrolin.
Hindi lahat ng laban ay kailangang sagutin. Kaya dapat
manahimik.
Hindi lahat ng insulto ay kailangang patunayan na mali.
At hindi lahat ng taong hindi nakakaintindi sa iyo ay
kailangan mong kumbinsihin.
Minsan, ang pinakamalakas mong sagot ay katahimikan, malinaw
na boundaries, at pagpapatuloy ng iyong buhay.
Paano kung hindi mo talaga kayang manahimik. May araw na hindi mo kayang tiisin na itikom
ang iyong bibig.
Narito ang ilang payo sa pagtugon o pag react sa mga insult o
panglalait na galing sa katrabaho, kaibigan, kakilala:
“Ang yabang mo talaga. Akala mo ang galing-galing mo.”
“Wala ka namang alam sa ginagawa mo.”
“Puro ka lang salita, wala ka namang nagagawa.”
“Ang bobo mo talaga.”
“Napakatanga mo!”
At napakarami pang mga salitang nakakainsulto ang pwede mong
marinig. Ito ang dapat mong isagot sa
lahat ng insult na iyan.
Una, magbilang sa isip mo ng 5..4..3..2..1. Tapos sabihin mo ito ng kalmado, hindi kunot
ang noo, hindi namumula, hindi naiiyak, sa madaling salita, walang reaction ang
mukha, hindi nakangiti at iyong hindi affected.
“May gusto ka pa bang idagdag?
May gusto ka pa bang sabihin?” Pagkatapos ay magbilang ulit ng 5…4…3…2…1. Sabihin ito, “Okay.” Sabay talikod at umalis na sa lugar na iyon
ng hindi lumilingon. Iyong pagsasalita
mo ng “okay” ay mensahe sa kaniya na “kung wala ka ng sasabihing iba, aalis na
ako, sayang ang oras ko eh. “
Anong mga nakakainsultong salita na ang iyong narinig? Icomment mo naman para malaman natin kung
gaano kasakit ang insultong narinig nyo na sa iba.
Chosen ones, protektahan mo ang iyong kapayapaan. Huwag
mong ibigay sa ibang tao ang kapangyarihang kontrolin nito kung magiging
masaya, magagalit ka, o magiging miserable sa araw na ito.
Maraming salamat sa inyong panonood, hanggang sa muli.
Comments
Post a Comment